NAGNININGNING ang mga mata ni Amanda habang naigagala ang paningin sa kabuoan ng Parker's mansion! Inaasahan na nitong malaki at magara ang mansion nila Radson, pero nagulat at kinikilig ito na makita iyon ng kanyang mga mata! “Gosh! Para akong totoong reyna na titira sa mansion na ito! Makakaalis na rin ako sa bulok naming bahay at mamumuhay reyna sa piling ni Radson! Hihiga sa pera, mabibili lahat ng mga gusto ko at may mga katulong na magsisilbi sa akin, kahit ang magpunas sa mga paa ko!” impit na irit nito sa isipan na naigagala ang paningin at napakalapad ng ngiti sa mga labi! “Ahem! Babe, let's go,” bulong ni Radson dito na ngumiting tumango. Yumapos siya sa braso ni Radson, buong pagmamalaki na nakangiti sa lahat ng bisitang naroon. Nakangiti at yumuyuko ang mga bisitang nadaraan

