MAAGA pa lang ay bumangon na si Thalia. Nakagisnan naman nitong nasa tabi niya pa rin si Radson. Nahihimbing na nakayakap sa kanya. Matamis itong napangiti na hinaplos sa ulo ang kanyang asawa. Kinintilan niya rin ng halik sa noo si Radson. "Good morning, Mr Parker. Ang gwapo mo naman kahit tulog," nangingiting bulong ni Thalia. Napahagikhik ito na pinagbunggo ang tongki ng kanilang ilong. Kinikilig itong pinagmamasdan ang asawang nahihimbing. Gustong-gusto niyang pinapanood na natutulog ang asawa niya. Kinukulit at ninanakawan ng halik! "Uhmm--" Napahagikhik ito na nagsumiksik sa leeg ni Radson na mapaungol si Radson. Sinisipsip niya kasi ang ibabang labi ng asawa niyang natutulog. Naramdaman naman ito ni Radson. Napangiti na makagisnan ang asawang nangungulit. Nasanay na nga ito na

