Taguan Three Years Later… “Stephanie! Get back here. Ang dumi-dumi mo na!” sigaw ko sa three-years-old kong anak pero ginantihan niya lang ako nang ngiti. “Mommy, why are you mad? You look like a dog.” Sinong anak naman ang tatawing aso ang kaniyang nanay? Kinurot ko nang mahina ang kaniyang pisngi at napa-aray naman siya. “Sinong may sabi sa’yong aso ang nanay mo?” “It’s from my classmate po sa section ko!” sabi niya sa’kin. Patuloy lang kami sa pag-uusap habang pinapahiran ko ang kaniyang mukha gamit nag wet wipes. “Ayan. Maganda ka na ulit.” “Thanks, mommy! You’re the best!” “Sige na, pumasok ka na sa loob nang bahay.” “Okay!” Napabuntung-hininga ako habang tinatanaw ang anak kong pumunta sa bahay-kubo namin. Marami ang nagsasabing dukha kami pero kung makapagsalita ang an

