He's a Construction Worker
"Salamat, manong! Wag na po kayong maghintay sa'kin. I'm pretty sure ihahatid ako ng parents ng kaibigan ko," sabi ko sa driver namin nang iparada niya ang sasakyan sa harap ng mansion nila Charles.
"Sige ma'am. Ano pong pangalan ng kaibigan niyo sakaling tanungin ako ni Sir at Madame?" tanong niya.
I don't f*****g know why I smiled, "His name is Charles," sagot ko at pumasok na sa bahay nila dala-dala ang cake.
I buzz the doorbell. Isang magandang maid ang sumalubong sa'kin. "Hi! Nandyan ba si Charles?" tanong ko sa kanya at sumilip sa loob. Wow! Ang ganda ng bahay nila, ah. Modernize at nasisiguro kong magaling ang architect dahil sa unique ng styles.
"Sino ka?" tanong ng maid sa'kin at napatingin sa dala ko. Ano ba yan, do I need to introduce myself to a mere maid? Such a waste of time.
"Can you just please let me in first? I wanna see him po kasi. Nasaan ba siya?" maarte kong sabi sa kanya dahil mukhang hindi niya ako papasukin. Sumilip pa ako ng konti para hanapin kung nandito ba si Charles pero mukhang wala.
"Sino ka muna?" cold niyang tanong ulit sa'kin at mukhang napupos na ang pasensiya.
Napabuntung-hininga ako, "Excuse me, you're just a maid in this house, I think. I don't want to waste my time to you so please papasukin mo na ako. Okay? O my God! Nilalamok na ako dito oh!" maarte kong sabi at nagpapadyak sa sahig.
She sighed, "Isa ka ba sa mga manliligaw ni Charles?"
My jaw drops because of what she said. How could this filthy maid said that to me, who is she by the way? At ano raw? Manliligaw? I'm a woman for pete's sake! Bakit ako manliligaw?
"Fine, manang! Ako yung kaklase ni Charles!" Well, that was a lie. Sayang kasi hindi kami magkaklase sa isang subject.
I continued, "I'm here to give my gratitude. He helped me po kasi about school stuffs that's why I'm here. God! Do I need to introduce myself to you too?" Pinaypayan ko ang sarili dahil sa init at inis para sa maid na ito. Nasaan ba ang kanilang boss? O di kaya Mommy ni Charles? Akala ko ba walang trabaho iyun.
"Can I get in?" tanong ko ulit nang hindi niya ako sinagot. She smiled at me and lead the way inside their house. Mabuti naman at marunong umintindi iyon, she's wasting my time.
Hindi ko inakalang ganito kalaki ang bahay nila Charles. Mas malaki pa sa bahay namin! May mga rubics cube na ginawang upuan at lamesa into some different styles. Heads up sa internal designer nito.
"Dito ka muna, may gagawin pa ako. Enjoy yourself," sabi ng maid na naghatid sa'kin at pumunta sa kanyang kapwa maid. They even bowed themselves at her when she made her way to the kitchen and began to wash the dishes.
"Charles!" sigaw ko sa loob ng kanilang bahay. Baka nandoon pa siya sa kwarto niya. What if... pupunta ako doon? Nahihibang ka na talaga, Irene. Mind your class, okay? Hindi yun pwede kasi babae ka.
Ang lalaki dapat ang maghahabol sa'yo. That's my motto.
Kanina pa ako sigaw nang sigaw sa loob ng bahay nila pero wala man lang Charles ang bumalaga sa'kin. Pinagtitinginan na ako ng mga maids nila dito. Nasaan ba yung parents ni Charles? Bakit mukhang wala dito?
Inis kong pinuntahan ang maid sa kusina at tinanong, "Nasaan ba si Charles?" asik kong tanong sa kanya na naghuhugas ng plato.
"Wala dito yung anak ko," sagot niya at napatawa naman ako. I know my wicked laugh is insane. It sounds as the antagonist like a witch from a disney movie. "Manang, si Charles po hindi yung anak niyo," correction ko sa kanya.
Padabog niyang inilagay ang huling plato sa lalagyan at bumaling sa'kin, "Umalis ka na, inaabala mo kami dito."
Napabuga ako ng hangin sa kanyang harapan dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya, "Excuse me? Sino ka ba dito? You're just..." pinasadahan ko ang apron na suot niya," ... a maid in their house."
"I feel pity to your parents. Ganyan ka ba nila ipinalaki? Wala kang modo."
I rolled my eyes at her and crossed my arms on my chest, "That's none of your business. Nasaan si Charles?" tanong ko ulit sa kanya.
"I don't like you for him..."
"The feeling is mutual. I don't like you too."
"Umalis ka na."
"Manang naman, eh. Bigyan na lang kita ng tip," mataray kong sabi at kinuha ang 1,000 pesos sa wallet ko. Tinignan niya lamang ito, "Hindi ko matatanggap yan," deretsong sabi niya at mukhang inis na inis na talaga sa'kin.
Hindi ako makapaniwalang tinanggihan niya ang grasya! Well, it's her lost. "Si Charles?" tanong ko sa kanya na ngayon ay nag-umpisa nang maglakad palabas ng bahay. Nakarating kami sa kanilang gate at nakita kong binuksan niya ito. Sumunod naman ako sa kanya dahil baka nandoon si Charles pero wala akong nakita.
"Huh? Wala naman dito, eh." I said flatly and look at her. Nagsalita siya, "Sa daming mga babaeng pumunta dito sa anak ko, ikaw lang ang walang modo. Umalis ka na." Then she close the gate leaving me horribly and awe.
That filthy maid... humanda siya sa'kin! Nakakainis talaga siya, ah! Isusumbong ko siya kay Charles!
Nagsimula akong maglakad ng padabog pauwi dala-dala ang cake. I already shove off my driver so ako lang ang uuwi mag-isa. It's past 12:00 in the afternoon kaya sobrang init ng panahon. Wala pa akong dalang payong. Nakakainis talaga ang araw na ito, ah!
Habang naglalakad ay may nahagip ang mata ko. It's another bunch of pervert idiots. Mabuti na lang hindi nila ako magagalaw dahil nagtatrabaho pa sila ngayon.
They're construction workers working in the site.
Napahinto ako saglit at tinignan sila. Ngayon ko lang napagtantong hindi madali ang kanilang ginagawa. Pawis na pawis sila habang nagmamasa sa gitna ng tirik na tirik na araw.
"Pre, may chicks oh." Agad akong napaiwas ng tingin sa kanila nang bigla silang lumingon lahat sa'kin. f**k.
I hate this day!
Nagsimula na akong maglakad palayo sa kanila dahil baka ano na namang mangyari sa'kin kagaya ng dati. Wala akong kasama ngayon. Sinong magtatanggol sa'kin?
Dinoblehan ko ang yapak para makawala na sa kanilang paningin nang biglang may humigit sa braso ko. "Mommy! Ayoko! Dili ko lami! Maghanap ka ng ibang babae! Wag sa'kin! T-Tsaka... a-ano... I'm... not virgin so I couldn't testify your... needs!" sigaw ko habang napapikit ang mata dahil sa gulat at takot.
Binitawan niya ako kaagad, "What? You're not virgin anymore?" galit nitong tanong sa'kin in a very hard accent. Wait... bakit parang pamilyar...
I opened my eyes and saw Charles and his sinful half-naked body full of sweat. "Oh f**k. It's you... akala ko kung sino."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at pakiramdam ko ay namumula iyong pisngi ko. "Magsuot ka nga ng-" Hindi ko natapos ang sasabihin nang may rumehistro sa utak ko.
Is he one of those bunch of idiots?
He's a contruction worker?
"Hey, look at me," he said and touch my jawline but I refused. No, it can't be. Baka nagkamali lang ako. Hindi siya pwedeng maging contruction worker. May construction worker ba na marunong mag-english with hard accent? No freaking way.
"Talk to me, Irene." Oh s**t, he called my name for the first time. That was Charles voice. It's definitely him but why...
Matapang ko siyang tinignan at ngumiti ng hilaw, "This is just a misunderstanding, right? How could you be a construction worker?" tanong ko sa kaniya.
Refuse it. Refuse it. Refuse it. Tell me you're not a construction worker.
"What's the big deal? Kumikita naman ako." Oh no... he really is a worker. I can't believe I befriended a construction worker. This is so f*****g insane.
"Okay ka lang?" Naguguluhan niyang tanong. Siguro namumutla ako ngayon. How could he deceive me?
He tried to touch my hand but I shoved him off harshly, "What the f**k, Charles? You're a liar!" sigaw ko sa kanya.
"Huh?"
"Stop playing with me! Akala ko ba mayaman kayo? If you're rich, then why are you saving your ass off to work there if you can just ask for money to your parents?"
"I can't do that to them..."
"O baka naman hindi talaga kayo mayaman?"
"Irene, stop it. What's the big deal if I'm not rich?"
Tumawa ako dahil hindi ako makapaniwala, "I get it now. Tell me, do you really live there in a big mansion?" Tinuro ko ang bahay nila na malayo na sa aming banda.
"Yes." He answered.
"There you go again! You're lying! Pumunta ako doon para bisitahin ka pero yung nanay mong maid ang sumalubong sa'kin. She even told me she doesn't like me for his son. Of course, I don't care about what she said kasi hindi naman kita gusto!"
"Wait, you came to our house?!"
"Oo! Nagulat ka yata? Bakit? Dahil ba ayaw mong malaman kong nakitira ka lang doon kasama ang mama mong kasambahay lang?"
"Lang? Kasambahay lang?"
"So what if I look down on her! I don't care! Eto, sa'yo na yan baka hindi pa kayo nakakatikim niyan." Padabog kong ibinigay sa kanya ang dala-dala kong cake at nag-walk out sa kanyang harapan.
Napahinto ako sa kanyang sinabi, "Akala ko magbabago ka. Guess, I'm wrong."
Hindi ko siya sinagot dahil kumukulo pa rin ang dugo ko sa pagmumukha niya.
"Why are you alone, by the way? Baka mapano ka na naman..."
Napapikit ako dahil sa sobrang inis. Bakit ba lumilihis siya sa topic? Why does he care about my safety? Ugh! This is making me more insane.
"Dito ka lang, magbibihis muna ako sa barracks," sabi niya at narinig ko ang kanyang mga yapak papalayo.