Ang pagbabalik na may kasamang halik... “Mommy, what’s wrong?” Agad na napatingin si Hijiranze at Evan sa anak kong nagtatago sa gilid ng pintuan. Nakauwang ito at nakita ko ang malalaking mga mata ni Stephanie na nakatingin sa estrangherong tao sa harapan niya. “Come here, baby…” bulong kong pagtawag sa anak ko kaya agad naman siyang napatakbo papunta sa’kin at tumago sa likod ko. Kumapit siya sa aking mga binti habang napatingin kina Hijiranze at Evan. Nanlalaki ang mga mata ni Hijiranze habang tinitignan si Stephanie. “You have… a child?” gulat niyang tanong sa’kin at napatingin na sa mukha ko. Base sa kaniyang reaksiyon, hindi siya makapaniwala. Napaawang ang kaniyang bibig at napasapo sa kaniyang noo. “Kanino?” dagdag nya pang tanong sa’kin. “Kay C-Charles…” bulong ko at umiwas

