Edward was furious. Parang sinaksak ang puso niya ng patalim. Sinaksak ng paulit-ulit. Saktong nasa tapat siya ng Hotel de Luna nang makita ang asawa niya at ang hayop na Hollander na pumasok sa mismong sasakyan nito. The pain he felt was drastically spreading in his whole system. Nanginginig siya habang nakahawak sa steering wheel ng kanyang sasakyan. Nakasunod siya sa sasakyan na minamaneho mismo ng asawa niya. Nakadistansya siya ng ilang metro mula sa mga ito. “Putangina!” Malakas niyang sigaw sabay hampas nang manibela ng makitang sa hotel ang tuloy ng mga ito. Dire-diretso ang mga ito sa parking lot at patuloy pa rin na sinundan niya ang mga ito. Hinarangan siya ng guard sa parking entrance, at pinapabuksan sa kanya ang salaming binatana ng kanyang sasakyan. Nang hindi siya nakilal

