“Sobrang namiss kita Misis ko.” hawak ni Edward ang magkabilang pisngi ni Trinity. Pinagdikit nito ang kanilang mga noo habang malalim ang mga paghinga. “I missed you so much, Ed!” Yumakap siya rito at kinintalan ng halik ang labi ng asawa niya. “I know.” maikli nitong tugon kasabay ng marahang tawa. Pagkatapos ay walang puto manggang bigla siya nitong binuhat. Mabilis na pumaikot ang kanyang mga braso sa leeg ng asawa niya. She let out a low laugh and leaned her head on her husband's hard chest. Naipikit niya ang mga mata kasabay ng pagsamyo ng mabangong amoy ng asawa niya. She misses this. Ang isang linggo na hindi niya ito kasama ay tila katumbas ng mahigit isang buwan at tila iyon isang parusa sa pakiramdam. Marahan na inihuga siya ng asawa niya sa ibabaw ng malambot na kama at d

