Everyone was Excited. Nakikita ni Trinity ang saya sa mukha ng mga anak ni Althea at maging ni Savannah. Isang araw na lang at babalik na ang mga ito ng pilipinas. Pagkatapos masaksihan ang madamdaming pag-uusap ni Althea at Edward ay sinikap niyang kalimutan ang mga salitang huling narinig na sinabi ni Edward kay Althea. She tried to act normal as if like she did not hear anything. Kahit papano ay nagawa niya. Mayroong mga bagay sa mundong ito na kahit anong pilit na abutin ay talagang hindi maabot. Lalo na kapag hindi nakatadhana na mapapasaiyo. Unti-unti niyang tinatanggap sa sarili na kahit anong gawin niya ay hindi kayang suklian ni Edward ang nararamdaman niya. It hurts, but she doesn't have any choice but to accept it. Gusto na niyang umalis. Ngunit wala siyang magawa kundi a

