Surprisingly, sa restaurant kung saan madalas kumain ng lunch si Trinity, siya ay dinala ni Edward. Western and Eastern delicacies ang signature ng restaurant. Nasa loob ng De Luna Mall ang restaurant, isa sa mga branch ng De Luna Mall na malapit sa QMC. Nasa ikaapat na palapag iyon. Marangya ang restaurant; she likes the ambiance. Pagkapasok sa loob, ay agad yumakap sa katawan ang lamig na buga ng aircon, maging ang musika ay nakakahalina sa pandinig, soft and relaxing sa pakiramdam. “Good evening, sir, ma’am!” bati sa kanila ng isang babaeng agad na sumalubong sa kanila pagkapasok sa loob ng restaurant. Nakasuot ito ng black slacks at black blouse, at ang buhok ay naka-clean bun style na nabalutan ng hair net. “Nagawa mo ba ang ibinilin ko?” Edward asks the woman. “Yes, sir!” “Good

