Nagising si Edward sa isang malamig na silid. Puting kisame at puting dingding ang sumalubong sa kanyang paningin. Where the hell is he? Iginala niya ang paningin sa loob ng silid. “Good afternoon po, sir. Mabuti at gising na po kayo.” Tinig ng babae ang umagaw ng kanyang atensyon. Nilingon niya ang pinanggalingan ng tinig nito. The woman is sweetly smiling at him, at basi sa suot nitong puting pantalon at puting blouse, alam niya na nasa hospital siya. The woman is a nurse. “What happened to me?” tanong niya. “You fainted, sir after you donated blood.” tugon ng nurse, habang tinatanggal nito ang IV drip sa kanyang pulso. Naipikit niyang muli ang mga mata. Everything that happened after he lost consciousness played vividly in his head, maging ang tinig ni Trinity at Caleb ay umalinga

