“Tagu-taguan maliwanag ang buwan wala sa likod, wala sa harap. Pagbilang ko ng sampu, nakatago na kayo. Isa, dalawa, talto, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu!” si Edmund na nakaharap sa pader habang nakatakip ang mga mata. Munting mga halakhak at yabag ang namayani sa loob ng bahay. Napapangiti na tinatanaw ni Edward si Sophia mula sa hagdan. Hawak nito sa magkabilang kamay ang kapatid na si Hope at panganay na anak ni Alfred na si Mia. Tumatakbo ang mga ito at naghahanap ng mapagtataguan. Lumapad ang pagkapuknit ng labi niya ng makitang sa maids quarter ang tungo ng mga ito. Si A.D, ay tumakbo tungo sa dining area habang si Theo naman ay tumakbo tungo sa living room. Theo, A.D, and Edmund are playing basketball earlier. Ngunit dahil sa gustong makipaglaro ni Sophia ay walang

