Malaki at malawak ang bakuran ng bahay na bigay sa kanila ng mga magulang ni Edward. Tatlong palapag ang bahay at bawat palapag ay mayroong tig-tatlong silid. Kung tutuusin ay fully furnished na ang bahay at handa na iyong lipatan anumang oras. Bawat silid ay may kanya-kanya ng kagamitan. Lahat ng mga gamit ay puro bago. Nakabalot pa kasi ang mga iyon ng transparent plastic. Gray ang kulay ng interior at ang couches ay kulay puti na bumabagay sa grey porcelain tiles. Ang bakuran ay marami nang mga ornamental plants. Halos purong berde na ang kulay ng malawak na bakuran dahil sa samu’t-saring luntian na halaman. Para lang sila nasa Santa Ana, sa ancestral mansion nina Edward. “So, ano sa palagay mo?” Edward asks from her behind. “Maganda. Sobrang ganda!” Nakangiti niyang tugon ng hind

