After a few minutes of driving, she reaches the Quijano Medical Group building. Agad na lumabas siya ng sasakyan at initsa sa gwardya ang susi ng kanyang sasakyan. “Good morning, Manong!” “Good morning, ma'am!” “Kayo na po bahala sa sasakyan ko ha?” “Wala pong problema ma'am.” Ngumiti siya. Agad na hinugot niya mula sa sling bag ang kanyang ID. She swipes her ID card at the gate pass. Pagbukas non ay mabilis ang hakbang na pumasok siya sa loob ng matayog na gusali at tinungo ang exclusive elevator. Pagdating naman sa tapat ng exclusive elevator ay itinapat niya ang mata sa biometric scanner upang bumukas ang elevator. The QMG building has the highest security system in the country. Sobrang higpit ng seguridad. Iilan lang ang guwardiya ngunit ang buong paligid ay napapalibutan

