Marahan na humakbang si Trinity tungo sa cottage. Nang makalapit sa cottage ay tumayo lamang siya sa gilid. Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng dibdib at tahimik na pinagmasdan ang anak. Her son's physical appearance was a spitting image of Edward. Mula sa mukha, at sa tindig. Pati nga ang ilan sa mga ugali ni Edward at hilig ay namana rin nito. Her son is one of the reasons na kahit anong pilit niya noon na kalimutan si Edward ay hindi niya magawa. “How long are you planning to stand there?” untag sa kanya ng anak ng hindi lumilingon sa kanya. Nakatuon ang paningin nito sa libro na binabasa na nasa ibabaw ng mababang mesa. Nakaupo ito sa papag, habang ang mga braso ay nakapatong sa ibabaw ng mababang mesa at hawak ng isang kamay ang libro. “Hmm, until you invite me to come in,

