Nanlalambot ang mga tuhod ni Trinity at tila siya kakapusan ng hininga. Nabitawan niya ang landline at agad na naghanap ang mga kamay ng makapitan. “Trinity! Trinity!” tawag ng kuya Caleb mula sa kabilang linya. “Trinity, listen. Don’t drive. Let manong Tonio drive. Naiintindihan mo ba ako?” “Edmund, Edmund!” Nanginginig na tumayo siya. Hindi na siya nag-abala pa na damputin ang nahulog na aparato. Sa kabila ng panginginig ng mga tuhod ay nagawa niyang tumayo. Mabilis na tinakbo niya ang pinto at lumabas. Ang tanging nasa isip niya lang sa mga sandaling ito ay ang kanyang anak. Umiiyak siya ngunit wala siyang luha. Nanginginig ang buo niyang katawan, ang puso niya ay sumisigaw. Sumisigaw sa matinding takot. Masakit maging ang bawat t***k at halos magiba ang kanyang dibdib sa lakas n

