"Hello po, Nay. Hello po, Tay. Musta na po kayo?" Masayang bungad na bati ko kina Nanay at Tatay habang ka-video call ko sila. Umalis sandali si Uno kasama si Cris. Nagpasama kasi si Cris sa Kuya Uno niya para patignan sa kakilalang mekaniko ni Uno yung tumutunog sa kotse ni Cris. Samantalang si Unica ay nasa kay Lola Alcantara naman niya. Andito ako ngayon sa terrace ng kwarto ni Uno. Ay, namin pala ni Uno sa mansion ng mga Alcantara. Pangit man tignan pero pag wala si Uno ay hindi ako lumalabas ng kwarto namin. Hinihintay ko munang makabalik si Uno bago ako lumabas o kaya pag kinukulit ako nina Cris at Tim na lumabas ng kwarto namin ni Uno. "Sobrang miss ko na po kayo." Dagdag ko pa. "Sus, pang apat na araw mo pa lang dyan kina Uno e namimiss mo na agad kami." Saad ni Nanay. "Ngayon l

