Kanina pa ako gising. Naalimpungatan ako kaninang 4am at mula kanina ay hindi na ulit ako nakatulog. Nakaupo ako sa kama habang nakasandal sa headboard nito. Kinapa ko ang tiyan ko. Baby ko. Dyan ka lang ha. Ikaw lang ang masasabi kong akin talaga. Amin pala ng Papa mo. Patawad anak kung sakaling hindi pa kita mabibigyan ng buong pamilya. Patawad dahil hindi mo muna makikilala ang Papa mo. Someday, sana, makikilala mo din si Papa Uno mo. Ipapakilala pa din kita sa kanya, Anak. Pero hindi muna ngayon ha. Pag nawala na tong sakit sa dibdib ko at pag kaya ko ng magpatawad, Anak. Promise, hindi kita ipagkakait kay Papa Uno mo. Pero ngayon, sa akin ka na lang muna ha. Tayo na lang munang dalawa. Ako na lang muna ang magmamahal sayo, Anak. Hindi ko na napigilang mapaluha. Simula ng sumama ako

