"Nagbreakfast ka na ba, Mine?" Naalala kong tanong kay Uno dahil kumalam din ang sikmura ko nang makaalis sina Nanay at Tatay "Hindi pa." Tugon ni Uno. "Paano yan, Mine, walang food dito? Padeliver na lang tayo." Mungkahi ko. "Nagtext na ako kanina kina Cris at Tim. Nagpabili na ako ng breakfast nating dalawa." Ani ni Uno. "Ah ok. Nagugutom na nga din kasi ako. Pwede daw ba akong kumain?" "Sabi nung doktor mo kanina, pwede naman daw." "Yehey. Kahapon pa kasi ng merienda ang last kong kain." "Ang tagal mo kasing nakatulog, Mine." Ani ni Uno. "Ano nga pala ang motor mo, Mine?" Napangiti ako. "Honda na big bike, Mine. Ung CNR500R. Second hand lang yun pero maganda pa din ang itsura pati takbo." "Wow. Iba ka talaga, Mine. Sobrang lakas ng loob mo. Kaya din nagkasundo tayo agad dahil p

