Sasagot pa sana si Uno pero may kumatok sa pinto ng kwarto namin. "Come in. The door is open." Ani ni Uno. Sina Dad at Mom pati na sina Cris at Tim na karga si Unica ang bumungad sa pinto ng kwarto namin. "Are we disturbing you?" Ani ni Cris na nakangisi nang makapasok sila sa kwarto namin. "Nope. May pinaguusapan lang kami ng Ate Ara mo." Ani ni Uno. "Isasauli nyo na ba si Unica?" Agad ding tanong ni Uno kahit na alam kong alam naman niya ang magiging sagot sa tanong niya. "A big NO." Ani ni Tim at mas hinigpitan pa ang hawak kay Unica na akala mo ay aagawin sa kanya ang pamangkin niya. Sa totoo lang halos hindi na namin nakakasama ni Uno si Unica ng kaming tatlo lang. Pati sa pagtulog ay sa kwarto nina Mom at Dad natutulog si Unica. Ok lang naman sa amin ni Uno dahil nga alam nama

