Chapter : Bitag

1131 Words
Noong akma na akong aalis sana tila napuna agad iyon ng aking Lolo kaya hinawakan niya ako ng mahigpit sa aking kamay. Hawak hawak ang mic inanunsyo niya ang gaganapin pag iisang dibdib namin ni Celine sa petsang tinakda nila. Naghiyawan ang lahat at tuwang tuwa ang lahat, nakatitg lang sa akin si Celine. Pakiramdam ko nung mga oras na iyon ay nakamascara ang lahat at hindi ko maintindihan bakit sila lang ang masaya. Tila meron isang malaking parisukat ang nahulog sa akin at nakulong ako sa loob. Mabigat man ang aking pakiramdam sa inanunsyo ng aking Lolo at ng aking pamilya, tila hindi narin ako nagulat at nabigla dahil kilala ko ng husto aking Lolo Ren at gagawin niya ang lahat ng maibigan niyang gawin. Bago pa man magkapagsalita muli ang aking lolo upang ianunsyo ang petsa ng kasal ay kinuha ko ang isang mic at tuwirang nagsalita. ' Nagpapasalamat ako sa lahat ng taong dumalo ngayon gabi, alam kong sa tinagal ng panahon ngayon nyu lang ako muli nakasalo sa malaking pagsasalo na ito.' panimula kong pagbati, nakatigtig aking pamilya, ang lolo ko, si Celine na tila nababatid na ang aking sasabihin at ang lahat ng tao sa bulwagan.' Malugod akong sumasang ayon sa importanteng anunsyo ng ating Chaiman Ren na pinakamamahal kong Lolo. Inaanunsyo ko rin na pansamantalang maantala ang aking pag iisang dibdib dahil sa loob ng isang linggo ako ay mag aaral at napakadesisyon ako na sinang ayunan nang buo kong pamilya na kumuha ng masteral sa switzerlang sa Sculture and Art Design University na makakatulong ng malaki sa aming negosyo at kumpanya. Mag aaral ako doon sa loob ng dalawang taon. ' ang singit kong anunsyo sa lahat. Napangiti si Celine at napailing ng may paghanga.' Ninanais ko na magkaroon ng payapa at maging masaya lahat ngayong gabi' pagtatapos na salita at pangungusap ko para sa lahat. Pumiglas ako sa pagkahawak ng mahigpit ng aking lolo at nakita ko na sumenyas siya kay tatay Roger na bantayn ako at huwag hayaan makaalis. Ngunit hindi niya ako napigilan at mabilis ako lumabas ng bulwagan ng walang nakakakita at nakapansin. Sumenyas ang bunso kong kapatid at nagpabaon ng halik sa hangin at mabilis ko yun sinalo. Tumakas ako sakay ang roll royce na bigay ni Sophia sa akin. Mabigat ang aking loob at galit na galit ako sa lolo ko. Habang nagdadrive papalayo sa mansyon ay tumutunog ang aking telepono. Tumatawag si Gary ang matalik kong kaibigan mula pa nung kolehiyo. Hello, Nebi andito kami sa La Union kasama ko si Louis at ang iba pang barkada, kaya mo ba pumunta ngayon?' tanong niya sakin. ' Sige, sige papunta na ako dyan'.sagot ko sa kanya. Sobrang bigat at sobrang sama ng loob ang nararamdam ko habang minamaneho ang mamahalin roll royce na bigay ng bunso kong kapatid. Nagagalit ako kay Lolo at Papa. Sigurado sila ang nagplano nito. Mabilis ko pinatakbo ang sasakyan mula Manila papuntang La Union upang sandaling makalimot at makasama ang mga dati kong kaibigan. Pagkatapos ng tatlong at kalahating oras ng pagdadrive nakarating na ako sa La Union. Alas nuebe na ng gabi nung makarating ako at habang pinaparada ko ng sasakyan meron ako nakitang isang bata naglalaro ng bola. Napangiti ako at naalala ko nung panahaon na mga bata pa kami ni Kuya Robert at Sophia. Isang litrato at masayang alaala ang meron ako sa kanila ngunit sa aming paglaki ay simnampal ako ng katotohan na totoo hindi kami salat sa marangya na materyal na bagay ngunit salat kami sa oras at pagmamahal galing sa aming mga magulang. Naiparada ko na ng maayos ang aking sasakyan at hinubad ko ang aking mamahalin toxido at nagpalit ako ng kumportable at simpleng t-shirt na puti. Pagbaba ko ng sasakyan ay bumungad sakin ang maaliwas na tunog ng dagat at ang kakaibang simoy ng hangin. Mas naging maginhawa ang aking pakirmadam. Sa hindi kalayuan naririnig ko na ang boses ni Gary at ang iba pa namin kaklase nung kolehiyo na nagtatawanan at nagkakasiyahan. Maraming tao ang dalampasigan at sa kabilang dako ay iba't ibang pakulo at meron mga event ang nanaganap sa gitna ng beach. Lingid sa aking kaalaman na tumuwag na ang aking Lolo kay Louis upang ako tignan at bantayan ako. Si Louis ang anak ni Tatay Roger na kasabay ko mag aral sa kolehiyo ngunit hindi parehas ang kursong kinuha namin. Si Louis ay kumuha ng Political Science at kasaluyan parin nag aaral ng Law. Pinagsasabay din niya ang pagtatrabaho at pag aaral katulad ko. Habang naglalakad ako papalapit sa aking mga kaibigan ay sumakit na naman ang sintido ko at meron akong nakitang matadang may hawak hawak na makinang na kwintas sa aking gunita ngunit bigla din at mabilis na nawala. Napansin ako ng isang dalaga na papalabas na ng resort at halatang marami na siyang nainom dahil mamula mula na ang kanyang pisngi. ' Okay ka lang ba? Tila namumutla ka?' ang tanong niya sa akin. Tumango tango ako at sumagot na ' ok lang ako.'. Nagpatuloy ako na naglakad hanggang sinalubong ako ng aking mga kaibigan at binigyan ng mainit na pagbati. Bago pa magsimula ay tumunog ang telepono ni Louis at hindi registradong numero ang tumatawag. Tumayo si Louis at nagpaalam na sasagutin lang sagot ang tawag at maghahanap ng signal. Tumayo siya at pumunta sa labas malapit sa dalampasigan. Natatanaw ko na tumango tango siya habang may kinakausap sa telepono. Sa hindi maipaliwanag na dahilan meron ako masamang kutob ngunit hindi ko yung pinansin. Mula pagkabata nakatuon lang ako sa mga gusto kong gawin at hindi ko rin napagbigyan ang aking sarili na magkaroon ng kahit anung relasyon at hindi pa ako nagkakaroon ng karelasyon mula nuon hanggang ngayon. Ang tanging goal ko sa buhay ay ang maging simple at ordinaryong tao na nagagawa ang mga bagay na gusto ko at maging masaya sa mga simpleng bagay na meron ako ngayon. Maya maya pa bumalik na si Louis at hindi mapakali. Tila meron siyang inaalala na hindi na masabi sabi ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkabalisa at pag aalala. Dahil nag aalala ako sa kanya tinanong ko siya ' Louis, ok ka lang? halatang nagulat siya sa tanong ko at hindi siya mapakali.' okay lang ako Nebi wag ka mag alala'. Ikukuha kita ng inumin at sabay tumayo at kumuha ng isang baso ng wine na paborito ko dahil alam niya na hindi ako masyado umiinom ng hard drink at madali ako malasing. Bumalik si Louis dala dala ang dalawang baso ng wine at binigay niya ang isa sa akin sabay isang warm toast at ininum ko ng straight ang isang baso ng wine. Inabot sa akin ni Louis ang isang card key. 'Nebi, nakahanda at binook ka na namin ng kwarto sa room number six.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD