“Thou who bears lies that sting…” *** Revenge Twenty-Five The Player of the Game PALAKAD-LAKAD si JB sa harapan ni Michelle na busy sa paghahalughog ng mga dokumento. “Bakit ka pa nandito? Hindi ka pa lalakad?” tanong niya kay JB. “Iimbestigahan mo talaga ‘to? Hindi ka ba natatakot?” lumapit si JB sa mesa ni Michelle. Sandali siyang natulala sa tanong niya. “Ilang taon na ako’ng walang imik tuwing may krimeng tinatakasan ang mga Guanzons. I know the truth but I always refuse to say it. Parang nadudurog ang puso ko no’ng umiiyak siya sa akin. He can’t even speak properly.” Napasandal sa kanyang upuan si Michelle at sunod-sunod ang mabibigat na hininga ang binitawan nito. “Fine, I’ll help with the investigation but it should be just about his mother. Huwag na nating pakialaman ang

