"The cry of the fallen one..." *** Raging Hearts NAAGAW ang pansin ni Eryn nang biglang tumawa ang kasamahan niyang sales lady na si Carla habang sila ay nag-aayos ng rack sa mga panibagong suits na kararating lang. "Eryn, pupunta ka mamayang gabi sa Guanzons Ball 'di ba? May dadamitin ka na ba? Or may ka-date ka na ba? Yinaya kasi ako ni Marlon," tila kinikilig pang sabi nito sabay tingin sa gawi ng isang sales man na nag-a-assist ng customer. "Kailangan daw yata pumunta tayong lahat, huwag kang mandadaya!" aniya pa ni Carla sa kaniya. "Oo pero, puwede naman akong pumunta nang walang date," mahinang napatawa si Eryn nang hinatay ang isang rack upang ilagay sa empty shelves ang mga ibang suits. "Pakiramdam ko talaga, magtatapat na si Marlon sa akin, ano'ng sasabihin ko?" malapit

