DANICA POV NAMANGHA siya nang bumungad sa kanila ang isang private plane doon mismo sa Queenstown Airport. Daig pa nila ang VIP. No need na ng kung ano-ano documents or passport. Kaagad na sila pinapasok hanggang sa makasakay sila sa loob ng private plane. Isang bahagi ng isip niya ang natutuwa dahil makakabalik na rin sila sa bansa at ang isang bahagi naman ay nangangamba sa kung ano ang gagawin ng Daddy niya oras na malaman nito. Napukaw ang pag-iisip niya nang akbayan na siya ni Micah at iginiya paupo. Karga pa rin nito si Baby Ella. Mayamaya pa ay may pumasok na matangkad at guwapong lalaki. Pamilyar ang mukha nito ngunit hindi siya sigurado kung ito ba ang lalaking nasa Black Club noon. "Hi there! I'm Marshall at your service." Nakangising pagpapakilala nito. "Thanks," naiiling n

