Habang nakatingin sa ulap,nakarinig ako ng iyak ng bata.Lumingon lingon ako sa paligid pero wala akong makitang batang umiiyak.I felt a spine-chilling sensation all of a sudden.Tumayo ako para hanapin kung saan galing ang iyak na naririnig ko.I want to prove to myself na hindi ko iyon guni-guni. Nagpalakad-lakad at pa lingon-lingon ako sa paligid, hanggang sa nakita ko na ang pinagmulan ng iyak. Isang batang babae, mga nasa tatlo o apat na taon.May yakap-yakap pa siyang kulay rosas na beach ball. "Hello baby," sabi ko ng makalapit sa kanya.Hindi niya ako pinansin at patuloy parin siya sa pag-iyak. "Baby,bakit ka umiiyak? May kasama kaba?" Tanong ko.Dinahan dahan ko lang siyang hinawakan dahil baka matakot pa sa'kin. "Mommy!"sigaw niya habang humihikbi. Para namang sinaksak yung puso k

