"Gosh! Trending 'yung news tungkol kay Else." I just listened. Wala akong ginagawa kung hindi haluin ang ice tea ko dito. Ilang beses ko ng narinig abg tungkol sa balita na may kinalaman kay Else, hindi man pinangalanan kung sino ang lalaking kasama ni Else. Kilala ko naman. Kilalang-kilala nakakasama ko pa nga. "Sikat kasi siya, Celine. Kaya asahan mo na lahat ng lalabas tungkol dyan kay Else magiging trending," Alfred said. "Grabe naman ilang linggo na rin ang nakalipas tapos trending pa rin." She's famous, of course. "Bakit ang tahimik mo, Gail? May problema ba?" Napahinto ako sa paghahalo ng ice tea ko dahil nabaling sa 'kin ang attention nilang dalawa at wala na kay Else. Inagat ko ang tingin ko sa kanila, nakatingin silang dalawa sa 'kin. "Wala naman akong sasabihin, kay

