Hindi ko alam kung ilang beses ko ng sinundan-sundan ang kamay ng clock dito sa kwarto ko. Ang ganda ng panahon ngayon sa labas walang banta ng ulan ngayong araw, pero heto ako at nasa kwarto lang. Wala naman kasi akong gagawin sa labas tapos natapos ko na rin ang mga dapat na gagawin ko, in short wala rin akong gagawin dito kwarto ko. "Paano kaya kung yayain ko si Celine na mamasyal kaming dalawa?" Naitanong ko na lamang sa sarili ko. Makangiti pa ako habang kinukuha ko ang cellphone at pipindutin ko na sana ang call kaso baka mamaya magkasama silang dalawa ni Caleb. "Huwag na nga lang, baka mamaya maudlot pa moments ng dalawang 'yon." Binaba ko ulit ang cellphone ko at pinatay ko na. Bumalik ako ulit sa pagtingin sa kamay ng clock, hindi naman ako nahihilo sa ginagawa kong pagsunod

