"Naibigay mo na ba kay Zander 'yang letter mo?" I shook my head. Nakikita niya naman ako dahil naka-video call kaming dalawa, kaya maliwanag na maliwanag niyang makikita ang mga emotion ko at reaction. "Hindi ko naibigay may hindi kasing inaasahan na dumating kahapon." Kung hindi lang dumating si Else kahapon. Edi sana na bigay ko na kay Zander ang letter na ginawa ko at kasama ko na siya kahapon. Nalaman ko na rin sana ang sinagot niya sa 'kin. "Bakit? Diba nagpaalam ka pa nga sa amin ni Alfred? Para pumunta kay Zander." "Yeah. Pumunta naman ako pero naunahan ako ni Else, kaya hindi na lang ako tumuloy." Nakatitig lang ako kay Celine na busy kakaayos ng buhok niya. May pupuntahan kasi siya ngayon kasama si Tita Roxanne, kaya bihis na bihis siya ngayon. "Ang epal naman niya.

