"He said that? As in kilala ni Zander ang ama nila Caleb?" I nodded my head. "Yeah. Sinabi niya sa 'kin 'yon nong araw na sinabi ko kay Tita Zammy na tulungan si Alyssa, tapos bigla na lamang niya sinabi na nakilala niya ang ama nila Caleb." "So? Ang ibig bang sabihin ay mayaman pala sila Caleb?" tanong pa ulit ni Celine at naguguluhan siyang nakatingin sa 'kin. "Yeah, ganon na nga," sabi ko pa. "Wow!" Hindi makapaniwalang sabi ni Celine. "Kung ganon pala ay mayaman pala sila Caleb, pero bakit hindi niya hinahanap sila Caleb? Hindi ba niya alam na may sakit ang bunso niyang anak?" Sunod-sunod na tanong ni Celine. I shrugged my shoulders. Hindi naman pwede na lahat ay malalaman namin. Privacy na ng pamilya nila 'yon, kaya wala kaming karapatan na makielam at si Zander lang naman a

