"What? Date?! Nagdate kayong dalawa!" Bigla ako nataranta at agad kong tinakpan ang bibig ni Celine dahil ang lakas ng bosses niya, habang sinasabi 'yon. Napatingin ako sa paligid at lahat sila nakatingin sa direction naming dalawa. Bakit kasi sinigaw ni Celine? Pwede naman hindi. "Lower your voice, tignan mo nakatingin na sila," sabi ko kay Celine and I removed my hand, kaya pwede na siyang magsalita pa. "Nagulat lang ako, pretty beshie." Ngumiti pa siya at nag-peace sign sa harapan ko. "Look, nakatingin sila sa 'ting dalawa." I pointed my finger sa mga kaklase namin na nakatingin sa aming dalawa ni Celine. Hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip nila ngayon nang marinig nila ang sinigaw ni Celine. Celine glance at them, nagulat kasi sila sa biglaang pagsigaw ni Celine dito sa

