"Nakakainis! Bakit kailangan pa ako ipasundan ni Mommy sa bodyguard? Pakiramdam ko tuloy para akong preso na kailangan bantayan para hindi tumakas." Inis na inis na si Celine dahil sa tatlong bodyguard na nasa labas ng classroom ngayon. Nasa labas pa lang ako kanina at nagtaka ako kung bakit may bodyguard ngayon sa labas. Tumuloy lang ako sa pagpasok kanina at nakita ko si Celine na nakaupo na sa upuan niya and she said na bodyguard niya ang mga 'yon. "Isn't Aunt Roxanne too strict with you? Caleb doesn't do anything to you, you don't need a bodyguard." "I don't know." She sighed. "Ayaw ni Mommy na magkita pa kami ni Caleb, kaya hanggat nandito ako sa school ay may susunod na mga men in black." Wala na talagang magagawa si Celine. Tumingin ako sa tatlong bodyguard na nasa labas ng

