"Naghahanap pa rin ako ng lupa pagtatayuan ko ng flower shop ko, Kuya Gio." Nandito lang naman ako sa bahay nilang dalawa ni Ate Krisha. "Ilang araw kanang naghahanap ng lupa para sa flower shop mo, wala ka pa ring nahahanap," sabi ni Kuya Gio at kampante lang itong nakaupo sa sofa habang hinahawakan niya si Ate Krisha sa bewang na akala mo naman ay aalis sa tabi niya. "Ganon naman talaga, Kuya. Hindi naman kasi ganon kadali maghanap ng lupa para pagtayuan ng business," sabi ko pa. "Pumasok ka kaya muna sa company at ng may magawa ka naman," he said. I shook my head. "Ayoko nga, gusto kong pagtuunan ng pansin ang flower shop ko, Kuya." Kuya Gio look at me seriously. "Pumasok ka at malapit ng manganak si Krisha, kaya kailangan kong mag-leave." Yeah. Mom said na kailangan ko mun

