"Ma'am, nasa labas po si Mr. Lee. Gusto ka po niyang makausap." "Ma'am, hihintayin po kayo ni Mr. Lee na matapos sa trabaho niyo." "Ma'am, hanggang ngayon po ay nandito pa rin sa labas si Mr. Lee." "Ma'am, umalis po muna si Mr. Lee, pero po babalik raw po siya." "Ma'am may food delivery po para sa inyo na galing kay, Mr. Lee." Ilang beses na ba nagpabalik-balik si Veronica sa office ko upang sabihin na nasa labas ng office ko si Zander. Ano na naman ba ang ginagawa niya dito? Wala naman akong matandaan na may usapan kaming dalawa, kaya nandito siya. Kung si Kuya Gio ang pinunta niya ay dapat sa bahay nila Kuya Gio siya pumunta at hindi dito. Pero ako talaga ang hinihintay niya kanina sa labas, sadyang umalis siya dahil may kailangan pa siyang puntahan na meeting, kaya wala siya ngayo

