Bakit? Bakit ayaw niya na maging ka-partner ko si Erico? Ayaw niya ba si Erico? Masamang tao ba si Erico? Sa loob ng mahigit na isang buwan namin nakasama si Erico ay wala naman kaming napapansin na ikakapahamak namin ni Celine, wala rin kaming napapansin na kakaiba kay Erico. He's gentleman to us at mabait na rin at the same, masarap rin siyang kasama palagi niya kaming pinapasaya ni Celine. Kaya walang dahilan para hindi ko siya maging kapartner sa prom at kay Erico lang naman ako naging comportable bukod sa kanila Kuya. "Why? Wala naman akong nakikitang masama kay Erico." Umiwas pa ako ng tingin sa kaniya upang makasigurado ako na tama ang sinabi ko. Wala naman talaga akong nakitang masama kay Erico, kaya bakit niyang maging ka-partner ko si Erico. Erico is my choice, hindi ko naman

