"Sikat kana, Razel!" "May fans kana agad, Razel! At isa kami doon!" "Ganda mo talaga, Razel! Ang tapang mo pa!" Hindi ko alam kung pinupuri ba ng mga kaklase ko si Razel ngayon o may kasamang pangungutya ang pag-puri nila kay Razel. Tawang-tawa naman si Celine dito sa tabi ko habang nakatingin kay Razel na galit na galit na sa harapan naming lahat. Binabato kasi nila si Razel ng kung ano-ano pagpasok pa lang nito sa classroom dahil sa ginawa niya kay Else at sa galawang desperate niya. Edi naranasan niya na rin kung papaano pagtulungan katulad ng ginagawa ng kanyang Ate Queenie sa ibang mga student na walang kalaban-laban sa kanilang magkapatid. "Can't all of you stop!" she shouted. Tinawanan lang siya ng mga kaklase namin akala niya siguro susunod sa kanyang ang mga ito. They

