"Zander..." Napapapikit na lang ako at napatampal sa noo ko. Anong nanyari? At bakit ang lakas ng loob kong sabihin 'yon? Sa harap niya pa talaga ko binanggit. Anong ginagawa mo, Gail? Okay ka pa naman pero anong nanyari? Bakit mo tinawag na Zander lang? At wala pang 'Kuya' na kasama 'yon. "Okay ka lang ba, prettty beshie?" tanong sa 'kin ni Celine at uminom siya ng guava juice niya na inorder niya. "No. I'm not," I answered. It's true! I'm not okay, hindi dahil may sakit or what. Hindi ako okay kasi hindi ko alam ang gagawin ko kung papaano ko i-explain kay Zander, kung bakit ko siya bigla natawag sa first name niya without the word 'kuya' nahihiya talaga ako sa ginagagawa ko. "Bakit may sakit ka ba?" tanong muli ni Celine at titig na titig si Celine sa akin. Sinisigurado niya ku

