Hermione's Pov "Nasaan ang Alpha?" tanong ko kay Trime ng maabutan sya'ng maabutan ko sya'ng papasok ng library. "Umalis, kasama ata si Laslo, bakit?" he asked back, umiling lang ako sakanya atsaka ngumiti. "May pupuntahan lang ako, baka hanapin nila ako, ikaw na lang ang magsabi" tumanggo sya sa akin na naging hudyat para takbuhin ko na ang daan pabalik sa kwarto ko para kumuha ng jacket at kunin na rin anf susi ng kotse. Pupunta ako ng Woolimes, I want to hear Isyd's side, I want to fix everything between us, sa pagkakataon na'to gusto ko ng itama ang lahat. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko ng makasakay ako ng kotse at sya ding pagtunog ng cellphone ko, for a moment I was hesitant on wether should I or should not answer Cassidy's call. "Hello" ani ko mula sa kabilang li

