Hermione's Pov "Bienx, anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko ng maabutan ko sya'ng kausap sila Ciáran sa dining hall, tumayo sya mula sa pagkaka-upo atsaka lumapit sa akin para bumeso. "Wala naman, bibisitahin ko sana ang Alpha, wala pala sya dito" sambit nya, isang pekeng ngiti ang ibinigay ko sakanya habang papaupo ako, like the usual its only Cindryx, Ciáran, and I in here. Mukhang tulog pa si Laslo, hindi nakatakas sa mapanuring mga mata ko ang maya't mayang paglinga ni Bienx na para bang may hinihintay sya o gustong makita. "Hindi lang naman ang Alpha ang pinunta mo dito diba, you also want to see her" isang sarcastic na ngiti ang gumapang sa aking labi habang hinahalo ang kapeng kakatapos ko lang timplahin. Bago pa man sya makapagsalita ay humalo na sa hangin ang pamilya

