"Maam !! Okay lang po ba kayo?" Nag aalalang tanong ni Chessa kasabay ng pagsuri sa mukha ko pero nag iwas lamang ako ng tingin. "M-maam--" "May magagawa ka ba para mawala ang sakit?" Taas kilay kong tanong dahilan upang mapatungo sya sa kahihiyan-- lalo na ngayong nasa labas kami ng opisina ko at panay ang tingin ng mga empleyado. "Go back to your work ! Wag puro chismis !" Sigaw ko bago nagmartsa papasok sa office ko pero agad akong natigilan nang may marinig akong bulong mula sa di kalayuan. "Grabe kung makapag utos satin-- ampon lang naman" "Rinig nyo ba? Inahas nya si Sir Coby kay Maam Aubrey" "Inosente sa panlabas, ahas sa loob" Paulit ulit nilang bulong dahilan upang mangilid ang luha ko at dali dali nang dumiretsyo sa office. Pasandal kong pinadausdos sa pintuang nakasarado

