Ipapasesante ko sya. "Ganon ba" simpleng sagot nung isa bago naglakad palayo. Rinig ko ang mga yapak nila na sa tingin ko ay palabas ng kwarto. Mag aangat na sana ako ng ulo pero kaagad akong natigil sa pag angat dahil sa sinabi ni Coby. "Ito na siguro ang huli kong paglapit kay Thalia" bakas sa boses nito ang lungkot dahilan upang manigas ako. "Baket?" Takang tanong ni Chessa. Wala naman akong nagawa kundi makinig na lang sa pinaguusapan nila at hindi na nag angat ng ulo. "Pinagseselosan sya ni Aubrey" simpleng sagot nito kasabay ng paghinga. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng pananakip sa puso. Yung malaman kong hindi na ako ang nilalaman ng puso nito. Pero bakit ganon? Nangako sya sakin dati di ba? Nakalimutan nya na ba ang pinky promise namin sa isat isa? 'Cross my Heart,

