Lumipas ang maghapon ko na maski ang tawag o text ni Coby ay hindi ko naramdaman. Tuloy ay wala ako sa wisyo at tanging ang mga documents na nira-rush lang ang nagpapabalik sakin sa katinuan. "Maam. Mauuna na po ako" paalam pa ni Chessa ngunit hindi ko na siya napagtuunan ng pansin. Sa halip ay nanatili lamang sa laptop ang paningin ko. Pilit akong binabagabag ng maraming tanong.. Paano kung pampalipas oras lamang ako ni Coby? Pero imposible yon dahil inamin niya saking mahal nya ako. Paano kung pagkatapos ng mga nangyari samin ay takbuhan nya na lang ako? Pero hindi iyon pwede dahil kilala ko sya sa pagiging responsable nya. Bata pa lang kami ay alam ko na sa sarili kong mapagkakatiwalaan ko siya sa lahat ng bagay.. oras man yon o pangako. At hindi nya ako pwedeng takasan dahil..

