Kung ano ang ibinibigay nya sakin ay yun rin naman ang ibinabalik ko sa kanya. Kaya naman nauwi kami sa sakitan. Bahala na kung magkaroon ng eskandalo. Bahala sya dahil siya naman ang nagsimula. Sa bawat paghila ko sa buhok nya ay lumilitaw ang batok nya. Kaya nung sandaling matuon ang atensyon ko sa batok nito ay agad nanindig ang balahibo ko nang makita ko ang birthmark nito na alam kong pamilyar na pamilyar sa paningin ko. "E-elise" utal kong ani dahilan upang malakas ako nitong itinulak paupo sa sahig. Hindi ko nagawnag magreact dahil pakiramdam ko ay naubusan ako ng dugo sa mukha. Agad siyang umayos sa pagkakatayo at agad akong dinuro. "Pagsisisihan mo ito !" Sigaw nya habang inaayos ang mukha at buhok na nagulo dahil sa pagsasabunutan naming dalawa. "Anong nangyayari dito?" Mala

