Isinama niyang umuwi si Mikey sa condo ni RJ. Sinabihan niya itong magdala ng damit para mamaya.
Bumili muna sila ng maluluto para makapaghapunan muna sila bago gumala. At sigurado siyang bakbakan ng inuman na naman to mamaya na gustong gusto naman nitong kasama niya. Napakasugapa nito sa alak. Kahit anong alak walang pili. Ewan at anong klaseng bituka meron ito napakatibay.
Nagtaxi lang sila papuntang Makate. Pagkarating ay agad siyang nagprepare ng maluluto muna. Beef steak, mash potato and potato wedges at nagluto din siya ng carbonara pasta.
Gamit ang mabilisan taktika, kaya napapadali ang kanyang pagluluto.
Malapit na siyang matapos ng kararating lang din ng housemate niya, si RJ. Si Mikey naman ay nasa loob ng kwarto niya at pinauna na niya itong maligo.
“Oh RJ, tamang tama maghapunan muna tayo. Katatapos ko lang magluto.” Aniyang hinuhugasan na ang mga pinaggamitan niya sa pagluluto.
“Okay. Maliligo muna ako ha.” Anitong pumasok naman agad sa loob ng kwarto nito.
Siya naman ay tumalima na rin sa loob ng kanyang kwarto. Katatapos lang din maligo ni Mikey kaya siya na ang sumunod.
Pagkaligo niyay wala na si Mikey at naghahanda na pala ito ng pagkaing niluto niya. Pagkalabas niya ng kwartoy nakatuwalya pa ang buhok niya at naka spaghetti top pa siya at naka silk shorts. Siya ring paglabas ni RJ na naka-pyjama at sando white lang.
“Hali ka na RJ at kumain muna tayo.” Hindi niya ininda ang biglang pagkagulat nito. Na parang napapalunok pa. Ayaw niyang mag-assume.
Nakaupo naman tong nakaharap sa kanila ni Mikey.
“Naks naman ang sarap talagang magluto nitong si master chef natin.” Compliment ni Mikey.
“Yeah! The pasta.” Ani naman ni RJ.
“Salamat.”
Pagkakain nilay si Mikey pa rin ang naghugas. Siya naman ay nagbibihis na.
Nakaready na ang isusuot niyang halter vest crop top na kulay black at skinny jeans niyang blue. Nakablazer muna siya at mamaya na niya huhubarin ito pagnasa loob na sila ng bar. At siguradong pagfifiestahan ang kanyang umbok na umbok na puwit, maliit na balakang at ang malalaki niya hinaharap. Kitang kita din kasi ang tiyan niya at pusod.
Binagayan niya rin ng nude make up na lalong dumadag sa kanyang angking kagandahan. Napanganga pa nga si Mikey ng makita siya.
“Talagang hindi ready ah?” Anitong nakapagbihis na rin.
Hinagod niya ng tingin ito. Ito talaga ang version ni Mikee Cojuangco. Maganda pero boyish. Akalain mo babae ang trip pero ganito talaga ito. Naka black light sweater collar with mock shirt ito at ripped jeans na puti. With matching converse. Bagay din naman. Hindi din ito mahilig sa kulorete. Lip gloss lang ito tama na. Hanggang balikat ang buhok nito na hinahawi lang pagnaiinitan.
Tapos na sila ng paglabas nila ay kanina pa naghihintay si RJ sa sofa.
Kahit anong isusuot talaga nito ang hunk pa rin tingnan. Naka-sweatshirt ito na white pero tinupi nito hanggang siko at naka ripped jeans din.
“Lets go?” Anitong hindi nakaligtas sa kanya ang paghagod ng tingin nito sa kanya.
Matangkad pa rin si RJ sa kanya kahit nakasuit na siya ng 6 inches na heels. Pumantay lang yata sila ni Mikey. Mas matangkad kasi ito sa kanya.
Magkasabay na silang tatlong tinungo ang parking area kung saan nakapark ang sasakyan ni RJ.
Papasakay na sana siya sa front seat.
“Ahmmm Megan, I’m so sorry. Pakisamahan mo muna si Mikey sa likod. May susunduin kasi akong sasakay diyan.”
“Ah okay.” Aniyang napahilaw ang tawa. Baka si Billy susunduin nito. Kaya agad siyang sumampa sa likod kung saan nakaupo si Mikey na nakangisi. Hindi nalang niya pinansin ito.
Maya maya habang binabaybay nila ang daan kung saan nila susunduin ang kaibigan ni RJ. Bigla naman itong huminto at baka dito na siguro yung sasakay sa harapan.
Habang sila naman ni Mikey ay nag-uusap. Bigla nalang silang napatigil ng makita kung sino ang sinasabi ni RJ na kaibigan nito.
Isang seksing babaeng halos kita na ang kaluluwa sa suot nitong damit. At ang mukha grabeh. Maganda naman pero yung mukha ang kapal ng make up.
“Hi RJ? Would you mind? Kung isasama ko yung kaibigan ko?” Anito na ang arte pa ng pananalita. Saka napatingin sa kanila at ngumiti ng pagkaplastic.
“Okay no problem.” Ani naman niyong si RJ.” Nasaaan ba siya?”
“Coming na.” Ani pa ng babaeng habang ngiting ngiti.
Nang bigla nalang may nagbukas ng pintuan sa banda niya at pumasok ang isang pagkapayat payat na babae. Na ganun din ang hitsura niyo halos nilagay na ang buong foundation.
“Saan bang lamay teh?” Bulong ni Mikey sa kanya.
Kaya bigla siyang napatawa.
“Hi guys.” Ani ng katabi niyang bangkay este babae.
“Hello.” Panabay nilang sabi.
“Ahmm sino sila RJ?” Tanong ng nasa harapan na babae.
“Aahhh Clarissa meet my friends, Megan and Mikey.” Pakilala ni RJ sa kanila.
Parang pananawan siya ng gana ng sinabi nitong friend. Bakit? Eh sa totoo naman ah.
“Hi guys?” Si Clarissa. “I’m Clarissa and she is my friend Irene.” Tukoy nito sa katabi niyang babae.
“Hi.” Panabay nilang sabi ni Mikey.
Ano ba ito ni RJ si Clarissa? Baka new girl. Ibang klase rin itong si RJ. Lantaran ang pagkababaero. Buti nalang talaga hindi niya inamin kay Mikey na may kakaiba na siyang nararamdaman dito. Sa tuwing tumitingin ito sa kanya, ay may kakaiba siyang kaba.
At ang landi landi pa ng boses ng babaeng nasa harapan. At itong si Rj naman ang sarap sarap ng ngiti. Ang sarap sarap ng tawa.
At itong katabi naman nila parang feeling din inis sa kanila. Paki ba nito? Side bet lang din naman to ah? Ito pa talaga ang may ganang isnabera? Ano kaya kung ibalik nila ito kung saan ito inilibing? Nakakaloka.
Maging si Miley na nasa kaliwang side niya dahil siya ang napapagitnaan ay ngali ngali ng kutusan ang katabi ko. Para kasing ayaw silang makatabi nito dahil napakasambakol pa ng mukha at iniirapan pa sila.
Kaya pinakalma nalang niya ito habang nagbabyahe sila patungong The Hangouts.