Chapter 10: second day

1106 Words
Maaga din siyang nagising kinabukasan. Alam niyang umalis na si RJ para sunduin ang kaibigan nito. Kaya magluluto nalang siya ng umagahan para sa kanya. Nagchachat sila ni Mikey ngayon. Alas 6 ng umaga sa Pinas alas 12 naman doon sa Dubai. Kung ano ano lang mga pinagchachat nila tungkol sa housemate niya. Inulit na naman nito na baka raq ma-inlove siya, wala naman masama kung ma-inlove siya kay RJ ang masama para na rin siyang nang-agaw dahil syempre meron na itong anak at isa pa may nanay yung anak. Baka kasal ang mga ito. Wala pa siyang alam at hindi din naman siya nagtatanong. Maganda lang siya, pero hindi siya chismosa. At kung saka sakali mang naghiwalay ang mga ito may tendency pa rin naman na magkabalikan dahil nga may anak ang mga ito. Samantalang siya, wala na silang pag-asa ni Patrick dahil may anak na rin ito kahit pa ilang beses nitong humingi ng tawad at chat ng chat pa rin sa kanya na hanggang ngayon mahal pa rin siya nito. Pagtungkol sa anak taob ang relasyon niyong sinayang lang ang limang taon na ipinagpalit sa limang oras. Nakamove on na siya kay Patrick pero hindi pa rin niya makalimutan kung gaano kasakit ang ibinigay nito. Dahil kung magpakagaga pa siya hanggang ngayon, dapat sana ipinaglaban niya ito dahil hanggang ngayon nagchachat pa rin ito. Pero siya, hindi na siya kukuha ng batong ipopokpok ulit sa ulo niya. Never! Hindi pa sana matapos tapos ang mga walang ka kwentang kwentang convo nila ni Mikey kung hindi ito nagpaalam na matutulog na. Kaya nag-good mornight nalang sila sa isa’t isa. At hinayun ang sariling magluto ng almusal at kape. “SO How’s your girl?” Tanong ni Billy ng nakasampa na ito sa loob ng sasakyan niya. Sinong girl ang tinutukoy ng tukmol na ito? “Your siomai girl?” Patuloy nito. “She’s not my girl.” Tipid niyang sagot habang nakatotok ang mga mata sa daan. “Really? Si RJ, nagpatira ng isang maganda, hot and seksing babae sa kanyang bahay pero hindi niya naging babae? Wow!!! How amazing? First time in the history.” Anitong tawang tawa. “Really! Naawa lang ako, dahil wala siyang kamag-anak dito. And she don’t want to go back in Cagayan muna daw. So, why not?” “So tell me bro?” Anitong kahit hindi siya nakatingin sa hitsuray may kung ano anong tumatakbo sa utak nito. “Sa katulad ni Megan, kahit ba sa hinagap hindi mo maisip na baka magustuhan mo siya? Hindi naman malayong mangyari yun. I know Megan is a kind of your type. Maganda, sexy, at sabi mo magaling magluto at baka din siguro kumanta?” Napatawa nalang siya. Kahit kailan talaga ang daldal nito. Kalalaking tao. Hindi siya makasagot dahil bukod sa may punto ito at nagmamaneho pa siya. Kaya mas mainam na manahimik nalang dahil marami pa itong isasatsat kung magbibigay pa din siya ng opinyon. “Come on, bro? Answer me.” Ang kulit talaga nito. “Hindi niya ako type. Alam mo naman ako, hindi sa pagmamayabang babae ang unang lumalapit sa akin. Pag gusto mo, come on. Pag-ayaw mo di hindi naman ako namimilit.” “So you mean hindi man lang ito nagpapakita sa iyo ng motibo?” Anitong hindi makapaniwala. “Baka nagpapakipot lang?” “Megan is not kind of girl na easy to get.” Aniyang dini-describe ito sa isipan. Ito kasi ang klase na babaeng hindi basta basta nagpapabola na dahil nasaktan na ito. Ewan? Yun lang tingin niya. Hindi ito flirt katulad ng mga babaeng unang nagpapakita ng motibo sa kanya. Oo palangiti ito at nakakaakit pero hindi ibig sabihin malandi ito. “Wow! So now you complementing her. That means you like her.” “Billy, it doesn’t mean I complement people because I like them. It’s because I respect them. At hindi naman ako nambabastos ng babae. Kung go on with a flaw ka, lets go kung hindi eh deh ‘wag. Ganyan si Megan and isa pa I like her as a friend not as a woman.” “Oh I see. I see?” Anitong himig hindi pa rin makapaniwala. “Maiba tayo bro. Kailan tayo pupunta sa The hangouts na tin?” Tanong niya. “Bukas bro, magpapahinga na muna ako ngayon at may jetlag pa ako. Bukas ng gabi susunduin kita sa unit mo.” Sagot nito. “At isama natin si Megan.” “I see how? Kung gusto niya. Si Alexander lang ang kikitain natin.” “How about Ken?” Tanong nito. “Nasa Bicol sila ng asawa niya umuwi.” “Wow! Talagang nakapag-asawa na rin yung kaibigan na ting yun.” “Sabi ni Alex eh. Si Jude nga din eh.” Sabi niya. “Si Jude? Wala na yung balak umuwi dito at baka makapag-asa din yun dito ng Pilipina. Takot lang non umuwi baka biglang singilin nong pinadalhan siya ng pera.” Anitong tawang tawa. Maging siya rin ay napatawa na. Meron nga talaga ding mga babaeng uto-uto. Inuto lang ni Jude pinadalhan agad ito ng pera sa America pa. Natatawa nalang sila pagnaiisip ang bagay na iyun. Malapit na sila sa condo nito. Kaya itinuon nalang siya ang pansin sa pagmamaneho habang daldal pa rin ng daldal si Billy. Tango nalang siya ng tango o pagmay isasagot sasagot at pagwala minsan tawanan nalang. Ganito kasi ito napakadaldal kahit lalaki. Pagkadating sa condo ni Billy ay sinamahan na niya ito muna hanggang sa kinagabihan na siya umuwi ng condo niya. Pagkabukas ng unit niya at agad siyang pumasok ay agad na nahagip ng tingin niya ang babaeng nagluluto ng ulam sa kusina. Amoy na amoy niya ang niluluto nitong adobo. Parang kumalam bigla ang kanyang sikmura. Nag-order lang sila ng pizza ni Billy kanina sa unit nito. Agaw pansin talaga ang hubog ng katawan nito at ang maumbok na puwit dahil sa suot na shorts na silk at nakasando lang. Hindi niya mapigilan pero pakiramdam niya, hindi lang siya sa ulam nito nagugutom parang uminit bigla ang pakiramdam niya ng pakanta kanta pa itong nakatalikod habang nagluluto at may pakimbot kimbot pa. Hindi man lang siya narinig na dumating dahil may headphone itong nakasangsang sa taynga. Nakikinig pala ito ng music. Nang biglang pihit nito paharap sa kanya, ay parang nagulat pa ito. Pero hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang naghuhumindig nitong dalawang mayayabang na bundok. Bakit naman kasi sobrang tindig at tayong tayo ang mga iyun? Kaya heto at biglang tayo din ang nasa kanyang ibaba. Kaya nagmamadali na siyang pumasok sa loob ng kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD