Sinaklolo siya sa pagkakatayo mula sa pagkalaglag niya sa kanyang upuan ni RJ. Ang lalaking kinamumuhian niya ngunit mahal na mahal, pinakamamahal sa balat ng lupa. Binuhat siya nito. Kay init pa rin ng pakiramdam niya pagnapapalapit ang katawan nito sa katawan niya. Nagpasalamat siya rito ng inupo siya ulit nito sa upuan niya habang seryosong nakatitig ito sa kanya. Ito namay umupo rin sa tabi niya. May isang upuan din kasi doon. Nagkatinginan lang sila ni Mikey. Bakit ba biglang nandito ito ngayon? Kung hindi niya lang kilalang playboy ito malamang mahal talaga siya nito kung sinusundan siya nito? O di kaya napadpad lang din ito sa lugar nila dahil baka may negosyo din ito dito. Hindi niya kasi kilala masyado itong lalaking katabi niya. Ganun talaga pag mahal mo no kahit hindi mo kila

