Nasa airport na siya at hinatid pa siya ng kaibigang si Mikey. Umabsent pa talaga ito sa trabaho.
Pagkapasok sa loob ng airport at nakita niyang marami ng nakapila sa check in counter ay agad siyang nagpaalam kay Mikey.
“See you in Philippines soon dai.” Aniya.
“Sige dai ingat ha.” Anitong mangiyak ngiyak. Ang oa talaga nito susunod din naman to next week eh.
Pagkapaalam sa isa’t isa ay agad na siyang tumalima papuntang check in counter.
Nang mapansin niyang parang nakasunod siya sa isang matangkad na lalaki. Gusto niyang makita ang hitsura nito para kasing familiar ang bulto ng katawan nito.
Char! Kabisado mo na siya agad?
Pero parang wala yatang balak lumingon ang lalaki. Mukhang hindi siguro ito siya kaya hinayaan nalang niya.
Maya maya malapit na ito sa counter kasunod siya. Nang biglang lumingon ito sa kanya.
Kaya bigla din niyang nginitian at biglang bawi din sa ngiti.
Ang sabi nito huwag daw basta basta ngumiti lalo na sa mga lalaki.
Kasi ang lalaking kanyang nasundan sa pila ay ito nga ang lalaking nagligtas sa kanya. Naka rayban pa itong tinanggal tsaka sinipat siya ng tingin. Saka matipid na ngumiti sa kanya. Gumanti ulit siya.
Wow naman! Ang pogi nga naman nitong hindot na to. Aniyang parang kinikilig sa kagwapohan nitong knight and shining armour niya.
Kaya hinanap niya ng tingin sa labas ng check in counter si Mikey. Alam niyang nakatingin pa rin ito sa kanya habang nakapila. Kita naman niya agad ito na nakangisi. At siya namay ngising ngisi na napatango tango pa sabay senyas dito ng ang hot at inginuso pa niya ang nakatalikod na na lalaki.
Biglang kumalam ang sikmura niya hindi pa pala sila kumakain.
NAGPALINGA-LINGA si RJ sa loob ng airport. Nasa malapit na siya sa check-in counter nakapila ng mapalingon siya sa kanyang likod. Nahagip ng mata niya ang familiar na babae. Ngumiti ito, ngunit biglang bawi at sumeryoso ulit. Tinanggal niya muna ang shades dahil baka namamalikmata lang siya. Naiba kasi ang style ng buhok nito na lalong bumagay sa mukha nito.
Nagpakulay ito at nagpabangs.
Shit! Hindi ba aware ang babaeng ito kung gaano ito kaganda?!
Kaya ng makitang ito nga matipid siyang ngumiti. At gumanti din naman.
Very funny! Aniyang itinuon ulit ang pansin sa harap ng check in counter dahil siya na ang susunod.
Mag-isa lang siyang uuwi ngayon. Si Billy sa makalawa ang flight.
Alam niyang magkatabi sila nito kung hindi ito lilipat sa ibang counter. Kaya nagpatiayun na siya.
Medyo masakit ang kanyang mga kaso kasohan at parang mainit pa naman ang kanyang pakiramdam ng hinila niya ang kanyang bagahe at kinarga para itimbang. Mabigat kaya nakadama siya ng sakit sa kanyang mga braso.
Mukhang may trangkaso yata siya gawa ng galing sila sa sobrang init at biglang pumasok sila sa malamig na mall kahapon.
Nang matapos siyay ang babae naman ang sumunod sa kanya ang nagpacheck in. Nagkanda ugaga ito sa mga dala dala.
Pagbabae talaga ang daming chichiburichi. Kung ano anong mga pinagbibitbit. May dala din itong gitara ano to? Musician? Pero tinulungan pa rin niyang bitbitin.
FC’ng fc lang talaga sila? Di pa nga niya alam kung anong pangalan nito. Magkatabi nga sila nito.
“Care to drink?” Aya niya rito. Hindi pa naman oras ng departure nila at nakapagcheck in na naman sila kaya pwede pa silang kumain.
Umuo naman ito.
Milagro yatang ang tahimik lang nito ngayon? Parang madaldal naman ang tingin niya rito.
“Rj nga pala.” Pakilala niya sa kanyang sarili ng makaupo na sila at nakapag order sa KFC. Sabay lahad ng palad rito.
Saka ito matipid na ngumiti. “Megan.” At tinanggap ang nakalahad niyang kamay.
Ang lambot naman ng kamay nito. Hindi halatang isa itong chef. Ayun sa pagkakasabi nito doon sa lalaki nong una niya itong na-encounter.
“Chef right?” Tanong niya ulit.
“Oo.” Nag-umpisa na itong sumubo ng burger.
“Why your hand so soft?”
“Alagang vaseline.” Sabay ngiti at biglang sumeryoso. Kaya naweweirduhan talaga siya rito. At patuloy lang ito sa pagnguya.
Maging siya ay kumakain na rin. Maganda nga itong babae na to pero weird.
Pagkatapos kumain ay naghintay lang sila ng ilang sandali sa departure area at ngayoy papasok na sila sa loob ng eroplano.
Nasa may bintana ang babae. At siya namay sa seat B29.
Bakit parang pakiramdam niya parang nangyari na ito dati. Pakiramdam niya nakasama na niya itong umupo sa loob ng eroplano pero hindi man lang niya maalala.
Sa ilang beses na siyang sumakay ng eroplano at nakakatabi ang kung sino sino. Bahala na nga sa isipin na yun dahil talagang ang sama ng pakiramdam niya. Dahil din sa sobrang lamig sa loob ng eroplano.
Kinuha nalang niya ang travel pillow mula sa bitbit na bag na hindi inilagay sa taas. Saka isinukbit niya sa kanyang leeg.
Samantalang ang katabi niya ay bising busy sa pagchachat sa cellphone kanina ng bigla na lang mapatingin sa kanyang leeg. Tinitingnan nito ang kanyang travel pillow na gamit. Kaya tinanggal niya muna.
Matagal na sa kanya ito. Naiwan nong katabi niya dati. Maganda at malambot kasi kaya hindi niya matapon tapon. At nagagamit niya sa pagtatravel.
“Akin to ah?” Ani nitong itinaas pa ang unan. “Paano to napunta sayo?”
“Paano naman nagiging sayo yan?” Aniyang nagtataka. Hindi kaya nakatabi na niya ito dati?
“May initial na MJ oh.” Sabay turo nito sa naka-burdang pangalan doon sa tela.
Matagal na niyang gamit yun pero ngayon lang niya napansin.
“Megan ka naman.”
“MJ nga Megan Jane Ignacio.” Sabay pakita nito sa passport nito.
Napahawak siya sa sentido niya. Akalain mo nga naman ito pala yung babaeng nakasakayan niya dati sa eroplano nong papuntang Qatar sila.
Ngayon naalala na niya ito. Yung babaeng sinadya niyang sundan para magkatabi talaga sila. Kaya pala familiar sa kanya.
Sa pagkakatanda niya may asawa na ito? Bakit parang wala naman yata siyang nakitang singsing nito sa kamay. Or baka naging single na pagdating sa Dubai. Di ba Saudi Arabia to dati?
Ngayon parang hinihila siyang matulog dahil sa sakit ng katawan niya parang trangkaso.