Chapter 7: In my place

1114 Words
Para kasing naawa siya rito. Kaya in-invite niya tumira sa kanya. Oo sa condo niya. Naisipan lang niyang patirahin ito doon. Total, siya lang naman mag-isa. “In my place. I got my own condo in Makate. You can stay there.” Invite niya rito. “Huh? Ahhhh.” Parang hindi nito alam ang sasabihin. “Don’t worry, you won’t pay anything.” Parang diskompiyado ang hitsura nito na tumitig sa kanya. Parang gets na niya. “And another thing.” Napapangiti siya. “May dalawang kwarto doon. Sayo yung isa. Sa kabila ako. Pansamantala ka lang naman di ba? Why not, in my place.” Ngiting ngiti na siya. “Talaga lang ha? Sige sige sa iyong place na ako.” Anitong napapangiti na rin. “Hindi naman sa interesado ako dahil sa libre ano? Kaya ko namang magrenta ng sarili kong condo. Pero siya sige dahil mapilit ka fine. I’ll stay in your place. And don’t worry. Ipagluluto kita araw araw mula umaga, tanghalian at hapunan. And take note ako bibili ng konsomo ha.” Kaya natawa nalang siya sa tinuran nito at tumango. Mukhang marami itong sasabihin kaya tango nalang siya ng tango. Meron siyang condo sa Makate. Firt year niya sa pagsampa sa barko ng makamove on na siya mula sa pagkakalugmok ay nagsumikap siya. At binili niya ang condo. Dahil na rin sa may gusto siyang patunayan. Dati, kaya niya binili ito dahil kay Arlene. Gusto niyang bawiin ito sa hapon na iyun. Kaya nagsumikap siya. At mismong sa condominium ding iyun ang mga ito tumira kaya kumuha din siya ng unit. Tamang tama din dahil isang agent ang kaibigan niya kaya madali niyang nakuha ang unit na ito. Pero dati na rin yun at ngayon nakamove on na siya. Nong gusto na ring bumalik ni Arlene sa kanya mga dalawang taon na din ang lumipas parang bigla na siyang nawalan ng gana rito dahil sa sakit na ibinigay nito sa kanya. Ang anak nalang si JM ang tanging kumokompleto ng buhay niya ngayon. Pero si Arlene wala na siyang paki-alam. Ewan? Maraming nagsasabi hindi daw sila magkamukha ng anak niya. Mas kamukha ito ng nanay nito si Arlene. Magandang maganda si Arlene, kamukha nito si Megan Fox. Kasing taray din ng mukha ng actress ang mukha nito. Kaya naman si JM poging pogi. Kahit hindi niya kamukha ito mahal niya pa rin ang bata. Nasa siyam na taong gulang na ito ngayon. KALALAPAG palang ng eroplano excited na agad si Megan na bumaba. Parang nakaka-excite kasi isipin na titira sila ni RJ sa iisang bubong. Hoy Megan! May sarili kang kwarto. ‘Wag ka diyan! Nakakaloka. Pati sarili niya pinandidilatan na niya. Kaya bitbit niya ang kung mga ano anong abobot na dala dala ay kasama na niyang bumaba ang magiging housemate niya. Iisipin palang niyang titira siya sa bahay nito at makakasama niya ang hunk na hunk na si Ejay Falcon este kamukha lang pala sa loob ng isang daang araw ay excited na. Ang sabi ni Vice Ganda sa watched video na pinapanood niya palagi sa f*******: ay huwag mag-assume at siguradong masasaktan ka lang. Wag masyadong ma-fall. Kaya manahimik nalang siya. Nasa arrival hall na sila ng nilabas nito ang cellphone at may tinatawagan. Siya naman ay napapasunod dito at papunta sa baggage area para kunin ang kanilang mga bagahe. Gamit ang cart ay mabilis nilang nakita ang kanilang mga bagahe at isinampa doon at saka binaybay nila ang daan patungong exit. Ilang minuto lang silang naghintay ay sinundo na sila ng kaibigan nito. “Bro! Kumusta?” Ani ng isang lalaking gwapong gwapo din, nang makasakay na sila. Na kamukha ni Jerry Yan. Nagmamaneho ito at nasa tabi si RJ. “Okay lang bro ikaw ba?” Sagot ni RJ. “Ito as usual. Ginawa mong drayber.” Sabay napapatawa. Natawa na rin si RJ maging siya. “So how’s work?” Tanong ulit nito. “Sort of. Okay pa rin. How’s business here?” Si RJ. “Okay lang. Kailan mo gustong dalawin?” “Maybe next time? Hihintayin ko nalang si Billy. Uuwi na yun sa makalawa.” Maya mayay parang sumenyas ito kay RJ. Tinatanong siguro kung sino ako? Tahimik lang kasi siya. Baka kung magsasalita siya at makikisali baka sabihin pa epal siya. Hindi kaya?! “Ahhh. Its Megan. Friend ko sa Dubai.” “Friend? I see.” Ani ng kaibigan nito na parang hindi naniniwala. “Megs si Alexander nga pala.” Pakilala nito dito. “Hi.” Aniyang nagwave pa talaga saka matipid na ngumiti. Ni hindi naman ito tumingin dahil sa nagmamaneho pero ngumiti naman. “Ahhh si Ken ba nasaan?” Tanong ni RJ rito maya maya. “Ah umuwi sila ng asawa niya sa Bicol.” Sagot naman ni Alex. “Asawa?” Parang hindi makapaniwala si RJ. “Oo si Erica.” “Wow! Amazing? Huli na yata ako sa balita ah?” “Hindi ka huli. Updated naman kami sa group chat natin sa messenger. Mukhang ikaw lang at si Billy hindi.” “I’m so sorry naman bro kung busy lang sa field.” “Yeah yeah. Seaman kasi walang signal sa laot.” Sabay tawa ni Alexander na ikinatawa na rin ni RJ. Ang dami pang napag-usapan ng magkakaibigan pero hindi na siya nakikisabat. Hindi nga siya epal di bah?! Hanggang gabi na ng makarating na sila sa condo ni RJ. At nakapasok na sa loob ng unit nito. At inilalapag na nila ang kani kanilang mga dalang mga gamit. Hindi na sumama si Alexander at may aasikasuhin pa raw ito. Ang ganda ng interior design sa loob ng unit ni RJ. May terrace at mesa doon ang sarap magkakape doon. Masyadong romantic Ang ambiance. “This is my room and that is yours.” Turo nito sa kanang banda, ibig sabihin doon siya at ito namay sa kaliwa malapit sa may terrace. “Okay po.” Aniyang parang nahihiya pa. Kaya binuhat niya isa isa ang kanyang mga gamit at ipinapasok na sa loob. Nang mabuksan na niya ay bumungad sa kanya ang isang single bed at kulay grey design sa wall. At may nakita siyang isang sit-up board doon para sa gym yata yun. “Ah hey?!” Anito ng makapasok na siya. “The sit-up board kukunin ko nalang yan bukas. Minsan kasi dito nalang ako nag-e-exercise at hindi na nagpupunta sa gym.” Okay lang din kung hindi. Para makita ko naman kung paano ka hihiga diyan. Aning pasaway niyang isip na parang naglalaway sa binata. Kung ano anong naiisip niyang kahalayan sa binata eh. Nakakaloka ka Megan ha?! Isa nalang! Kaya matipid nalang siyang tumango.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD