Nag-hanggang kinagabihan si Mikey sa kanya dito sa bahay nila. Kaya naman napilitan siyang kumilos na magluto ngunit tinulungan siya ni Mikey. Halos ito na ang gumawa, ginaguide niya lang. Nang matapos silang kumain ay wala pang RJ na umuwi. Nagtext naman ito na mauna ng kumain at may aasikasuhin pa. Kaya nanood nalang muna sila ni Mikey ng movie. Nasa kalagitnaan sila ng panonood ng may nag doorbell. Kaya pinakiusapan niyang si Mikey muna ang tumayo at magbukas noon. At sinabihan din niya itong tanungin muna or di kaya silipin sa peep hole kung sino yun. Na agad naman itong tumalima. “Sino ang nagdodoor bell dai?” Tanong niya sa papalapit na tao sa kanyang bandang may likod. Hindi siya lumilingon kasi dahil totok na totok siya sa kanyang pinapanood. Nagulat nalang siya ng bigla niya pa

