MAAGANG NAGISING si Yshara sa quarter niya sa ospital, naligo na siya sa cr at nag-ayos ng kaniyang sarili. Sinuot na ni Yshara ang doctor coat niya, at nang makita niyang ready to work na siya ay naglakad na siya palabas ng kaniyang quarter. Pagbukas niya ng pintuan ay hindi niya naiwasang magulat nang tumambad sa harapan niya si Tadeus. "Goodmorning, Ysha." "Anong trip mo at ang aga mong tambayan ang tapat ng quarter ko?" tanong ni Yshara na isinara na niya ang pintuan ng quarter niya at nagsimula ng maglakad upang puntahan ang kaniyang opisina. "Masama bang batiin ko ng magandang umaga ang isa sa talented genuis kong general surgeon?" "Ano na namang kailangan mo at ang aga mong mambola, i told you hindi na ako tatanggap ng surgery na ikaw ang naka assigned surgeo--" "--don't be l

