SA QUARTER ni Yshara ay kanina pa siyang gumagawa ng tulog pero hindi siya madalaw-dalaw ng antok. Paiba-iba na siya ng puwesto, pero kahit anong pikit niya ay buhay na buhay parin ang diwa niya.
"Bakit ba hindi ako makatulog!" naiinis na ani ni Yshara na paupong bumangon sa kama niya.
"It's so late na ng gabi pero gising na gising parin ako, bakit ayaw akong patulugin ng lalaking 'yun, i gave him naman some consoling pero bakit siya ang naiisip ko!" reklamo ni Yshara na parang batang nagmamaktol, dahil ang rason kung bakit hindi siya makatulog ay dahil kay Ribal na hindi mawala-wala sa isipan niya.
Ito ang bumabalik-balik sa isipan ni Yshara, at kahit anong taboy niya sa isipin na 'yun ay si Ribal parin ang tumatakbo sa isipan niya at hindi alam ni Yshara kung bakit.
"Ano bang problema ng Celebral Cortex ko? Baka may ang frontal lobe ko ang may diperensya?" ani ni Yshara na tumayo sa pagkakaupo niya sa kama at nagsimulang magpalakad-lakad sa kuwarto niya.
"Iniisip ko ba ang masungit na 'yun because i pity him? Nakakaawa ang itsura niya kanina, pero nagbigay naman ako ng words of wisdom sa kaniya so bakit naiisip ko siya?" pagkausap ni Yshara sa kaniyang sarili nang maalala niya ang mga mata ni Ribal na kahit walang emosyon ay hindi mapagkakaila ang sakit na nararamdaman nito na sandaling nakita ni Yshara.
"Marami na akong na-encounter na mga nawalan ng mahal sa buhay, i saw all of them grieving pero sa kanilang lahat bakit naiisip ko ang masungit na 'yun? Hindi tuloy ako makatulog ng maayos!" angil na reklamo ni Yshara na ikinabuntong hininga nito.
"Mapupuyat ako sa lagay na 'to--" natigilan si Yshara ng makarinig siya ng yabag na mga nagtatakbuhan sa labas, kaya kunot noong nagtungo si Yshara sa pintuan at lumabas sa kuwarto niya kung saan ilang mga nurse ang tumatakbo sa hallway.
"What is happening? Lumilindol ba?" naguguluhang ani ni Yshara.
"Doc Buena bakit gising pa po kayo?" tanong ng isang nurse na tumigil sa harapan ni Yshara.
"Hindi ako makatulog, teka? Bakit nagtatakbuhan kayo?"
"May isang pasyente po kasing nagwawala sa may ward."
"Isang pasyente?"
"Opo, siya po 'yung pasyente na nagtangkang magpakamatay kasi niloko ng girlfriend niya." sagot ng nurse kung saan dali-daling kinuha ni Yshara ang jacket niya at dali-daling nagtungo sa ward kasunod ng kausap niyang nurse.
Pagkarating ni Yshara sa ward ay ilan sa mga nurse at security guard na pinapakiusapan ang isang lalaking may hawak-hawak na babaeng nurse na tinututukan ang leeg ng syringe na hawak nito.
"Sir kalma lang po kay--"
"--Paano ako kakalma?! Buong buhay ko ibinigay ko sa kaniya ang lahat, pero pinagpalit niya lang ako sa mas mayaman sa akin! Gusto ko ng mamatay pero bakit binuhay niyo pa ako!" galit na sigaw ng pasyenteng lalaki.
"Bakit ba lahat nalang ng nakikita kong mga lalaki, pag-ibig ang pinoproblema?" ani ni Yshara na naglakad papunta sa harapan kung saan napansin siya ng lalaki at agad na itinutok kay Yshara ang syringe na hawak nito.
"Subukan mong lumapit ituturok ko sa nurse na 'to itong hawak ko!" sigaw na banta ng lalaki kay Yshara bago muling tinutok ang syringe sa leeg ng hawak nitong nurse na natatakot na.
"Hindi ako lalapit, dito lang ako sa kinatatayuan ko habang makikinig ako sa sawi mong puso." ani ni Yshara.
"Doc Yshar--" hindi natapos ng isang nurse ang sasabihin nito ng senyasan ito ni Yshara na manahimik muna sa kinatatayuan nito.
"Ba-bakit makikinig sa mga hinaing ko?!"
"Well baka kasi gusto mo lang ng makakausap at mapaglalabasan ng sama ng loob mo dahil nasaktan ka. I can lend my ears to your stories, don't worry the securities won't do anything to you since pasyente ka dito. So, pakawalan mo na ang nurse na hawak mo at tayo ang mag-usap." ani ni Yshara.
"Ba-bakit ako maniniwala sayo?!"
"Kasi walang ibang makikinig sa nararamdaman mo, maliban sa akon?" saad ni Yshara na bahagyang natigilan ang lalaki.
"Ganito nalang, all of the nurses and securities leave the ward area. Give us privacy muna ni sir...what's your name again, sir?" kalmadong ani ni Yshara.
"Ce-Cedric..."
"Okay Cedric, bitawan mo na ang nurse na hawak mo para makaalis na sila at makapag-usap tayo."
"Ba-Bakit makikipag-usap ka sa akin?"
"Para gumaan ang sakit na nararamdaman mo dahil sa ginawa ng ex-girlfriend mo." sagot ni Yshara na nilingon ang isang nurse na nasa likuran niya.
"Can you buy us can in beer para may mainom kami ni Mr. Cedric."
"Pe-pero Doc Yshara--"
"--it's okay, just do what i requested, and please all of you leave this ward, maliban sa mga pasyente na naririto."
"Si-sigurado ka ba Doc Buena?" nag-aalalang nurse kay Yshara na ikinatango niya.
"Hundred percent."
Nawalan ng imik ang lalaki habang nakatingin kay Yshara, tinitingnana kit kung niloloko lang siya nito.
At dahil humingi ng request si Yshara ay kahit nag-aalinlangan ang mga nurses, at security guards ay ginawa nito ang sinabi ni Yshara. Isa-isa silang lumabas ng ward, hanggang ang matira nalang sa loob ay si Yshara, mga pasyente, at ang lalaking hawak-hawak parin ang isang nurse.
"Now, Mr. Cedric lumabas na sila. Pakawalan mo na ang hawak mong nurse at tayong dalawa ang mag-usap, you can tell me everything." ani ni Yshara.
"Pa-papakingga mo ko?"
"Yes, handa ako makinig." agad na sagot ni Yshara na kita niya kung paano dahang-dahan na pakawalan nito ang nurse na naluluha na.
"Nurse Carmen, lumabas ka na ng ward." utos ni Yshara dito na agad nitong ikinalabas ng tuluyan.
First time na may nag-amok sa HIH, pero alam ni Yshara kung anong dapat niyang gawin sa mga ganitong sitwasyon.
Deretsong umupo si Yshara sa may sahig habang habang ang ilang pasyente na gising ay nakatingin sa kanila.
"Upo ka Mr. Cedric." pag-aaya ni Yshara kung saan dahan-dahan itong umupo katapat ni Yshara na ngumiti dito.
"So, ano bang nangyari?"
MATAPOS ANG trabaho ni Ribal sa bound nila ay sandali siyang dumaan sa kaniyang kumpanya upang tingnan ang bagong project ng new designs ng kotse na ilalabas nila sa Market.
He checks the ongoing process, the blueprint at kinausap niya ang mga nag-a-asikaso ng new project nila.
Matapos ang kalahating oras na nilaan niya sa kumpanya niya ay umalis na din siya. He plans to visit the museleo where Aurora's ash is. Alam ni Ribal na malaya niyang mabibista ito dahil hindi pa nakakalabas ng ospital ang mga magulang ni Aurora.
Napalingon nalang si Ribal sa cellphone niya nang tumunog ito, at ng ina niya ang tumatawag he doesn't hesitate to answer the call.
"I'm fin--"
"--tapos ka na ba sa time mo sa bound niyo?" putol ng tanong ng kaniyang ina, na hindi lingid sa kaalaman nito ang tungkol za underground society na buong pusong sinusuportahan ng kaniyang mga magulang.
"Yeah. I'm driving right now to visit Aurora."
"Before you visit her, can you please drop by sa HIH and have your check up?"
"Mom--"
"--I know sasabihin mo na okay ka na, but Ribal i'm your mother. Hindi biro ang nangyari sayo, so please go to Doc Buena so she can check you if okay ka na talaga." muling putol na saad ng kaniyang na ikinabuntong hininga ni Ribal.
"Okay. I'll do it."
"Thank you, anak. Say hi to me to Doc. Buena."
Nang mawala na sa kabilang linya ang kaniyang ina ay wala ng nagawa si Ribal kundi pagbigyan ang request ng kaniyang ina para hindi na ito mag-alala pa sa kaniya. Agad niyang iniliko ang kotse niya papunta sa way ng HIH.
Nang makarating na si Ribal ay pagkapark niya ng kaniyang kotse ay dere-deretso siyang pumasok sa HIH, at nagtungo sa information desk.
"Good day sir, welcome to Han International Hospital, how can I assist you?" ngiting tanong ng staff sa information desk na hindi maitago na nagaguwapuhan ito kay Ribal.
"Where can i find the office of Doc Buena?" seryosong tanong ni Ribal dito.
"Si Doc. Buena? Sa Third floor po ang office niya, room 108 po from Trauma Department. Pero as of now, she is settling po a problem sa may ward. Deretsuhin niyo lang po ang way na 'yan then pagliko niyo po sa kanan--" hindi natapos ang sasabihin pa ng staff ng deretsong nilakad ni Ribal ang papunta sa may ward na sinasabi ng staff.
Sinundan niya ang tinuro ng staff, at pagliko ni Ribal sa kanan ay natigilan siya dahil may ilang mga nurses ang mga nakatayo at dalawang security guard. Nilakad ni Ribal ang papunta sa way na 'yun, kung saan pagkarating niya sa tabi ng mga nurses, ay nilingon niya ang tinitingnan ng mga ito, kung saan nakita ni Ribal si Yshara na nakaupo sa sahig, may kausap na pasyente at may hawak na can in beer.
"Ang galing ni Doc. Buena, nagawa niyang i-handle ang pasyente."
"Hihintayin ba natin malasing ang pasyente? Baka magwala na naman 'yan si Doc. Buena naman ang saktan."
"Pero bilin ni Doc. Buena na hindi tayo papasok sa loob. For sure naman tatawagin tayo ni Doc. pag hihingin niya na sa atin itong sedative."
Iyon ang ilan sa mga naririnig na usapan ni Ribal ng mga nurses.
Walang salitang nilapitan ni Ribal ang nurse na may hawak na sedative at kinuha iyon. Dahil sa gulat ay hindi na nakapag reak ang mga nurses, hanggang makapasok si Ribal sa loob ng ward at naririnig na niya kung paano i-comfort ni Yshara ang pasyenteng kausap nito.
"Doctor Buena." seryosong tawag ni Ribal na ikinalingon ni Yshara at ng lalaki sa kaniya.
"Eh? Mr. El Diente?" may gulat na tawag ni Yshara dito nang lapitan sila ni Ribal at pa squat na umupo sa gilid ng dalawa.
"A-anong ginagawa mo dito?"
"I came here for my check up, stop this nonsense way to give comfort to your patients by drinking." malamig na ani ni Ribal kung saan hindi na napansin ng lalaki na naitusok na ni Ribal ang dala nitong sedative sa hita nito, kung saan agad tumalab ang gamot at pabagsak na humiga ang lalaki sa pasyente.
"Let's go." ani ni Ribal na tumayo na sa pagkaka swuat nito at naglakad na palabas ng ward
"Te-teka!" dali-daling tumayo si Yshara sa pagkakaupo, na bahagyang nalasing sa beer na nainom nito, yet naglakad na siya palabas ng Ward.
"Nu-Nurse Sanchez kayo na ang bahala kay Mr. Cedric." ani ni Yshara na dali-daling sinundan si Ribal kahit nakakaramdam siya ng kaunting hilo.