A Safe Place

1434 Words
Hawak na ni Bron ang kanyang espada. Handa na siya, sakaling may aatake nanaman. But to his surprise.. "Kayri????!" Agad niyang tinignan kung kasama ba ni Kayri sina Erick at Hannah. Pero wala sila. Lalo tuloy siyang kinabahan. Nakita ni Bron si Kayri na naka upo lamang sa driver's seat pero wala na itong buhay. Labas ang kanyang lamang loob, ang kanyang bituka at puso, scratched out! Bron felt disgusted. Karumaldumal ang nangyari kay Kayri. Dilat ang mga mata at bukas ang bibig. Dudungaw sana si Amelia pero agad namang tinakpan ni Bron ang mga mata niya upang hindi makita ito. Naisip ni Bron mas mabuting gamitin ang truck para lahat sila maka sakay. Yes, he will certainly rescue them. Sinimulan ni Bron ang pag hatak ng katawan ni Kayri palabas ng sasakyan. Pinunasan niya ang inupoan nito at pati na rin ang front glass gamit ang kanyang outer school uniform. Sumakay sina Bron at Amelia sa truck at nag drive si Bron papuntang paaralan. Nasa kutob niyang buhay pa ang kanyang mga kaibigan Hindi naman nag tagal, may napansin na silang dalawang taong magka akbay balikat na nag lalakad. Duguan at halos di na makilala. Bron only recognized na it’s them dahil sa red long hair ni Hannah. He stepped on the gas and stopped right beside them. Bakas sa kanilang mukha ang pagod. Bron only hoped na hindi sila nakagat o kahit na injured. "Kuya, sino sila? " Tanong ni Amelia. Bron release a relieved sigh and said, " Mga kaibigan ko sila.." Dumungaw si Amelia sa bintana ng kotse, "Hello po!" Tawag niya. Agad nilang napansin si Amelia na kumakaway sa kanila. They were surprised. "Iyan na yata ang kababatang kapatid ni Bron. Wow! Nahanap niya nga." kumaway pabalik si Erick with his weak arm. Binuksan ni Amelia ang kotse at pumasok na ang dalawa. Hindi mawalay ang tingin ni Bron kay Hannah. He found himself genuinely worried about her. After moments of silence.. " Alam kong sasakyan ko to ngunit pinili naming hindi kayo pansinin dahil akala namin si Kayri ang sakay nito. Mas pipiliin nalang kasi naming mag lakad nalang kaysa sumakay na kasama ang traydor." - Erick " You were right all along, Bron. Hindi dapat tayo agad nag tiwala sa mga tulad ni Kayri. Muntik pa akong mamatay dahil sa kanya. " Sambit pa ni Hannah at bumonntong hininga. "Wala na nga pala si Kayri. " Bron simply responded. " Talaga? Aba serves him right! Pinaniwala niya kong mabuti siyang tao. Yun pala he would just eventually take advantage of us." Patuloy ni Hannah. She's frustrated. " Ano bang ginawa niya? Napahamak ba kayo dahil sa kanya?" Tanong ni Bron habang patuloy na nag d-drive. " Tingin ko nga siya ang nag bukas ng school gate para makapasok ang mga zombies. He took the time to steal my truck and yung mga bag with guns! Pag gising namin ni Hannah, wala na siya. Nung chineck ko mga bags natin, wala na yung dalawang bags. For sure kinuha niya rin. Teka, baka nandito lang iyon sa truck ngayon? " - Erick " Sorry, Erick. I already checked. Walang mga baril o goods na nandito. Tingin ko, he intentionally hid it o di kaya tinapon niya. He probably just wants you all in danger. " -Bron " Walang hiya siya. " Galit na sabi ni Hannah. " I feel like partly kasalanan ko. Ako kasi ang agad nag tiwala sa kanya. Ako ang nag bukas ng gate para papasukin siya. Isa pala siyang halimaw." Napansin ni Bron ang naluluhang mga mata ni Hannah. " Tama nah..Huwag na nating pag usapan iyan. Gamitin natin ang panahong ito para magpa hinga. " Napatingin ang tatlo sa batang si Amelia na naka tulog na on her brother’s lap. .................................................. Dahan dahang minulat ni Hannah ang kanyang mga mata. Wala na si Bron at si Amelia. Pag tingin niya kay Erick, nandito siya pero tulog na tulog pa. Bukas ang driver’s door, madilim ang paligid. Kinabahan nanaman si Hannah. Nagising nanaman siyang hindi malay kung anong dapat pag handaan. May narinig siyang mga hakbang na parang papunta sa kanya. Hinugot niya ang baril sa gilid ni Erick at hinawakan ng mabuti. Itinutok niya ito sa bintana ng sasakyan. "Hannah....." boses ni Bron.. May dala siyang sarong. Hannah let out a big exhale. Binaba ang kanyang hawak na baril then Bron opened the car door. "Gising ka na pala.. Pasensya na hindi ko kayo ginising. I thought you really needed that rest." Sambit ni Bron while wrapping the shawl around Hannah's neck. Namula ng konte si Hannah habang minamasdan ang mukha ni Bron na halos magka dikit na sa kanya. Suddenly they locked eyes. Nagkaroon ng awkward silence ng ilang sigundo. "N-nasa malaking garahe pala tayo... Akala ko, panganib nanaman. Ang dilim kase." Hannah trying to distract the moment. " Ah.." Napakamot si Bron na tila nahihiya. " Pero there's no need to worry. Sa tingin ko safe naman tayo dito. " Pumunta si Bron sa kinauupuan ni Erick at ginising niya ito. Namulat si Erick. Half awake, tumayo agad ito. " Nasaan tayo?" Parang lasing si Erick. Both laughed calmly. " Erick, pare.. Just go upstairs. Unang door sa right, doon ka matulog." Bron patted his back. " Kailangan mo pa ng pahinga. " Nagulat si Bron ng bigla siyang inakap ni Erick. Tapos lumakad na ito pa akyat. Akap-akap niya ang sarili sa ginaw. Sumunod naman sina Bron at Hannah. Habang nag lalakad, napaisip si Hannah.. Si Bron ang tipong cold hearted kung tignan pero sweet nama pala.. Bakit kaya may kakaiba akong nararamdaman sa twing magkalapit kami. May gusto talaga yata ako sa kanya.. Nakakahiya.. The house is decently big. Namangha si Hannah pag pasok nila. "Wooow.. Bahay ng uncle mo to? Ang laki ah?” Sambit ni Hannah at umupo sa harap ng fire furnace. " Hmmmm ang galing. Ngayon lang ulit ako naka ramdam ng ganito. It's comfortably warm.." Bakas ang saya sa tinig ng boses ni Hannah. " Matagal nang walang nakatira dito. Matagal na kasing namatay si uncle. Ayaw naman naming tumira dito kasi malayo sa school at sa ospital. Lagi kasing naoospital si mama." Sambit ni Bron at tumabi na kay Hannah. " Talaga? It's good to hear something about your life, Bron. Di ka kasi ma-kwento." Patawang sabi ni Hannah. Humiga si Bron sa carpeted floor. " Anyway.. Parang na kokonsensya akong iniwan ko kayo doon. We should've fought the zombies together. Kaya ngayon sobrang napagod pa kayo.” " No, Bron. Don't take the blame. Kasalanan lahat ni Kayri. Tska si Erick talaga yung mas napagod. Lagi niya kong nililigtas. It was mostly his efforts para mag survive kami." Sambit ni Hannah na humiga na rin siya one meter apart kay Bron. Dumaan ang ilang tahimik na sigundo at nag iba ng topic si Bron. " Hannah.. " Napalingon si Hannah kay Bron. " Don’t get me wrong pero gusto ko pa sanang makilala ka. Ayokong maging stranger para sayo." Pagpatuloy ni Bron. " Teka nga. Baka ako, stranger para sa iyo. Remember, sinagip niyo lang din ako." -Hannah “Kaya nga. Kaya nga gusto pa kitang makilala. I don't want us to be strangers. I want us to be more. " Napalunok si Bron. First time niyang maramdaman ang ganitong klaseng feeling. And he was very straight forward. Hannah blushed na agad naming nag laho dahil sa naisip niya. " Ano kasi.. May nagawa kasi akung pinag sisisihan ko. At ang dami ko'ng gustong gawin na sana nuon ko pa ginawa." " Regrets? " Bron. Hannah laid on her side facing Bron. " Ikaw ba.. May regrets ka rin ba? Like big ones?” " Big regrets? Hmm.. Parang iba sa akin. Galit ang meron ako para sa sarili. Kasalan kong hindi na alagaan ng mabuti si Amelia. She's supposed to be my responsibility. I was so focused about being alone, hindi ko na napansing may kapatid pa pala akong nag mamahal sa akin. Now she's the one suffering with the virus." " Huwag mong sisihin ang sarili mo Bron. Hindi mo hawak ang kapalaran. Mabait kang tao. That, I know for sure. " antok na boses ni Hannah. " Gagawin ko ang lahat para mabuhay tayo. Po-proteksyonan ko si Amelia, pati kayo. We will all survive. Pangako 'yan." Sambit ni Bron. Wala nang imik si Hannah at pag tingin ni Bron, tulog na pala ito. Bron watched Hannah's face. Nagagandahan siya. Napangiti siya. Lumapit si Bron at pinikit na rin ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD